Gala

Pebrero 9, 2010 at 3:31 hapon | In Adventure, Gala, Housemates, Philippines, Photos, Pictures, Trip | 4 Comments
Tags: , , , , , ,

Isang araw na galing ng ngiht shift nila wek at aubu, naisipan naming dalawin ang mga pader ng intramuros. Dati pa naming balak ito dahil hindi pa daw nakakapunta ng intramuros si wek. Mas may alam sa intramuros si aubu kasi kakagaling lang niya dun nung nagreview kami kaya kelangan na kasama siya kundi maliligaw kami. Ang huli kong punta doon ay nung 2nd year college pa ako. May dala-dalang mapa si Aubu na dinrawing ni Pedro para sa amin upang hindi kami mukhang basang sisiw na nawawala. In fairness sa mapa, hindi nga niya kami niligaw at nakapunta kami sa intramuros ng maluwalhati.

post office

Lakad lakad lang, nagpapasikat sa araw at nagpapapawis. Si Aub tuwang tuwa kasi nasikatan siya ng araw na bihirang mangyari kasi zombie siya.

walking in the wall

Adik lang nung araw na ito kasi lahat ng picture ko ay sobrang taba ko, hindi ko nadaya ang lente ng camera para lumabas na medyo mataba lang ako. Kaya eto ang kinalabasan, pugad baboy.

pugad baboy

Lakad ng lakad, nakakita ng madaming pader, madaming eskwelahan, madaming estudyante, madaming pedicab at madaming kanyon. Napagod din sa huli kaya naisipan ng umuwi at matulog dahil may pasok pa kinagabihan.

playing around

ang astig, ang macho at ang tuod

madramang wek at aubu

pahinga muna sa bangko

isnikers, dalshus at tsinepen

Anghit

Enero 30, 2010 at 2:13 hapon | In Blog, Opinion | 17 Comments
Tags: , ,

Meron akong nakachat na customer sa work na Russian, kineclaim niya yung isang promotion na ino-offer namin kaso hindi siya eligible dahil sa bansa niya. Nagalit na siya dahil doon. Sabi niya:

“Is this discrimination? You are fascists and racists. I am sad that there are still people here in the world who are racist.”

Ang alam ko sensitive ang mga Russians pagdating sa racism kaya siya siguro nagalit o baka dahil sa gusto lang talaga niyang makuha yung promo.

Kumain kami ng pizza sa opis nung nakaraang gabi, may mga sauce siya na hindi pangkaraniwan para sa pizza (para sa akin). Kinuha ko yung salsa na nung una inisip ko kung ano ba talaga siya. Nung inamoy ko, amoy anghit. Tapos ang nasabi ko kay Aubu, amoy Arabian or Indian siya. Bad me. Steoreotyping at its finest.

Pero sabi kasi ang olfactory ang pinakanagbibigay ng memory sa atin. Halimbawa, pag may naamoy ka na certain na scent, may maiisip kang particular na tao. Tulad ng tuwing nakakaamoy ako ng downy, naalala ko ang mental na pinagduty-han namin ng 2 weeks kasi dinodowny dun ang mga damit para takpan ang hindi kaaya-ayang amoy. Simula noon, ayoko na ng downy.

Anyways, sabi ng isa kong ka-work, yung salsa daw ay amoy tinapay – putok. Pinag-usapan din namin kung sang cuisine kabilang ang salsa, sabi ko Italian ata, sabi nung isa Spanish at sabi ni Aubu Mexican. Sinearch ko siya kay pareng Wikipedia at natuklasan na tama kaming tatlo. Akalain mo yon.

Ayan, balik na sa topic. Ayun nga, sensitive tayong mga pinoy pagdating sa discrimination at stereotyping pero guilty tayo sa paggawa ng mga ito.

Umuusok ang ilong natin pag sinabihan tayo na ang description ng pinoy sa dictionary ay katulong. Naiinis tayo pag may nasasabing masama tungkol sa lahi natin. Pero unconsciously ganun din ang karamihan sa atin.

Pag Hapon, sakang.

Pag Intsik, piki.

Pag Bumbay, 5-6.

Meron ding lokal version ng stereotyping ang mga pinoy.

Pag Ilokano, kuripot.

Pag Bisaya, matigas ang dila.

Pag Muslim, war-freak.

Ayaw na ayaw natin na nilalait tayo o iniistereotype tayo pero tayo rin mismo ang gumagawa nito sa ibang lahi at mas masama sa ating kapwa pinoy. Hindi ako nagmamalinis, madalas ko din nagagawa iyon. Ang mahirap lang kasi sa mga ganitong bagay eh yung generalization. Parang kahit na hindi mo ginagawa o hindi ka ganun, yun pa din tingin ng taong hindi nakakakilala sa iyo kasi nakakatatak na yung lahi o etniko mo sa’yo.

Anong nangyari sa salsa? Tinikman ko pa din. Masarap naman kahit amoy anghit, kaso ang consequence kahit nagtoothbrush at naligo na ako, feeling ko naamoy ko pa din yung anghit. Nagpaamoy tuloy ako sa nanay ko kasi baka sarili ko na naamoy ko. Buti na lang, hindi naman. Kung hindi, tinding karma naman sa akin nun.

Bad News

Enero 23, 2010 at 6:38 umaga | In Current Events, Opinion, Philippines | 16 Comments
Tags: , ,

Laging laman ng news ngayon ang nanay ni Jason Ivler na si Marlene Aguilar. Hindi ko alam kung humihingi siya ng simpatya sa mga Pilipino o nagpapakasikat lang.

Nakakapikon siya. Sobra.

Parang tanga lang, mananawagan dati na sumuko na ang anak, yun pala tinatago lang. May sinabi pa na nagsend ng email yung anak at nasa Amerika na. Tapos nung niraid yung bahay nila, ina-announce pa sa anak kung ilan yung kasamahan niyang NBI at kung ano itsura ng baril. Parang sinasabi niya: “May apat na NBI akong kasama, may mga mahahaba at malalaking baril – maghanda ka na anak. Kapag nakita ka nila, attack. Barilin mo silang lahat.”

Sinabi pa niya sa isang interview na wala siyang pinagsisisihan sa pagpapalaki sa anak niya. Wala siyang pinagsisishan sa buhay niya. Oh, well.

 Ang sabi pa niya, sa dalawa niyang anak sa una niyang asawa, si Jason ang mabait at malambing at ang isa ang sakit sa ulo. Hay nako, mabait. Dalawa ang pinatay, parehong tungkol sa traffic at sa init ng ulo niya. Power tripper. Trigger Hapy. Mabait. Shit.

Tapos eto pa, tuwang tuwa siya. As in proud na may fan page sila sa Facebook at may 1,000 plus fans na daw ang page nila. Crap. Supporters or detractors? Pati criminal may fans na rin. Buhay.

Ang pinakanakakapikon ng manawagan siya sa US Embassy. Sabi niya – look at your soldier, he fought for you. He is now being condemned in other country. Kala mo kung magsalita Amerikano siya eh huli kong kita sa kanya kayumanggi pa din ang kulay niya at itim ang buhok niya. Kakaloka. Porke’t mabenta lang siya sa mga foreigners kala mo kung sino na. Yung kapatid naman niya sobrang makabayan. Tsk.

Kapag nanunuod ako ng news, wala ng good news akong naririnig. Pati showbiz news ngayon masama. Iilan na lang ba ang good news na pinapakita ngayon? Parang wala na eh. Kalungkot. Sana laban na lang ulit ni Pacquiao.

Dito na lang

Enero 23, 2010 at 5:04 umaga | In Blog | 10 Comments
Tags: , ,

Minsan magdedesisyon ka para sa buhay mo na tama para sa panahon na iyon at hindi mo na iniisip kung anong epekto nito sa hinaharap mo. Basta ang alam mo, sa partukular na sandali na iyon, iyon ang tama para sa iyo at iyon ang nararapat. Wala ng ibang mahalaga.

Merong mga bagay o tao dito sa mundong ito na hindi talaga para sa’yo kahit anong pilit mo pa. Minsan pati tadhana kinakalaban mo na pero sa huli talo ka pa din, panalo pa din ang guhit ng palad mo. (gusto ko lang isama kahit hindi relevant, hehe :) )

Masaya ako ngayon. Masaya sa desisyon ko. Masaya sa pagtatago.

Alam ko na mali ang ginagawa ko para mapanindigan ang desisyon ko. Mali na magtago, biglang hindi magparamdam, hindi mamansin. Pero kung tutuusin, matagal ng tapos. Matagal ng wala. Hindi ba at ikaw din ang dahilan kung bakit natapos? Kaya sana tama na.

Hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari at kung ano man ang nagkaroon tayo, pero hanggang doon na lang iyon. Wala ng karugtong. Wala ng to be continued. Wala ng susubaybayan. The End na. Tapos na. Wakas. Period.

Kung wala mang pormal na pamamaalam, nagkaroon naman ng pormal na paghihiwalay. Hindi ko na lang talaga gustong ipagpatuloy ang pagkakaibigan natin dahil hindi ko na gustong maging parte ka ng buhay ko. Pasensya na kung iyon ang desisyon ko, pero iyon ang nagpapasaya sa akin ngayon.

Mas masaya ako ngayon. Mas madaming panahon sa sarili. Mas madaming panahon sa pamilya at kaibigan. Mas nakakahinga ako ng maluwag at mabuti. Walang iniintindi, walang inaalala.

Pasesnya na kung hindi ko kayang sabihin sa iyo ito ng harapan o kaya ay sa text man lang dahil duwag at mahina ang loob ko.

Pero sa ngayon, isa ka na lang masaya at mapait na alaala at ayoko ng gawing kasamahan ng ngayon at bukas ko.

Dito na lang. Paalam.

Wan-Tu-Tri

Enero 22, 2010 at 6:17 umaga | In Alaalang Kupas, Blog, Usapang 90's | 12 Comments
Tags: , , , ,

Nagsimula akong mamasahe at sumakay sa pampasaherong jeep noong grade 3 ako. Tuwing tanghali, kasabay ko ang kuya ko na sumakay ng jeep pauwi sa amin para maglunch. 1.50 pesos pa noon ang pamasahe pero pag estudyante, piso.

Isang beses, pauwi na kami ng kuya ko, dalawang piso na lang  ang pera naming dalawa. Kulang kami ng piso pa. Hindi pa namin alam yung concept ng pang-estudyanteng pamasahe nun. Ang alam namin, binibigyan kami ng tatlong piso para sa pamasahe naming dalawa. Malay ko ba na discounted ang mga estudyante.

At dahil kulang ang pamasahe namin, namutla at pinagpawisan na kami ng kuya ko kasi hindi namin alam kung paano kami uuwi. Sabi ni kuya, nakita daw niya yung ibang estudyante sa public school malapit sa school namin na piso lang ang binabayad. Ang maitim na plano, pumunta doon sa tapat ng public school at magpanggap na taga public school para tig-piso lang kami ng pamasahe. Dakot-dakot ang octagon na dalawang piso na nakaukit si Andres Bonifacio at ang puno ng niyog, tinungo namin ang ma-batang lugar na iyon. Lakas loob kaming nakisabay sa agos ng mga bata, nagbayad ng dalampiso at nananalangin na hindi mapansin ni manong driver na iba ang uniporme namin. Tuwang tuwa kami ng hindi kami napansin ni manong na kulang ang pamasahe namin o hindi kami taga-public school. Little did we know, na ganun naman pala ang pamasahe ng mga musmos na tulad namin. Akala namin nun nakalamang na kami at nakatakas sa kalokohan naming dalawa. Dinuga lang namin ang inosente naming sarili.

Grade five ako ng maranasan ko ang una kong wan-tu-tri experience. At hindi lang basta wan-tu-tri, may por-payb-siks pa.

Mag-isa na akong namamasahe nung grade five ako kasi graduate na si kuya ko. Minsan may kasabay ako, pero sa partikular na araw na iyon, ako lang mag-isa talaga ang namasahe. Sumakay ako ng jeep at hindi pa nagbabayad kahit na malayo na ang tinakbo ng sasakyan. Hindi ko maalala kung wala talaga akong pamasahe nung panahon na yun o trip ko lang na hindi muna magbayad. Nang malapit na ako sa bababaan ko, mag-isa na lang akong pasahero ng manong driver. Bigla siyang huminto at sinabi na sumakay na lang ako sa ibang jeep kasi gagarahe na siya at doon na ang bahay nila. Binalik niya ang wari niyang pamasahe ko na tatlong piso at singkwenta sentimos at pinababa ako. Ako namang adik, tinaggap ko ang pera kahit na alam ko na hindi akin iyon at bumaba. Ang sumunod na jeep na dumaan ay minamaneho ng tiyuhin ng nanay ko, bale lolo ko. Siyempre pa, libre ako.

Wan-tu-tri – hindi ako nagbayad sa jeep na sinakyan
Por-payb-siks – nakakuha pa ako ng sukli na naibulsa

Hanggang ngayon, naguguilty ako kay manong drayber. Hindi ko alam kung bakit ko talaga nagawa iyon, siguro eksperimento ng munting nilalang na tulad ko o kaya naman kagahamanan sa pera. Pero pramis pinagsisihan ko na talaga iyon. Kaya naman hanggang wan-tu-tri na lang ako pag walang pamasahe. Kahit kelan hindi na ako nag por-payb-siks. Swear!

Pero ngayon, tinigil ko na rin ang minsan-minsang pagwawan-tu-tri, naawa na kasi ako sa mga drayber na nabibiktima ng katamaran kong magbayad at nahuli na rin ako minsan sa bus ng ituro ako ng isang pasahero habang pababa ako.

Alam ko masama yung mga ginawa ko, katumbas na rin iyon ng pagnanakaw o panloloko. Pero minsan kasi kinakailangan ng sitwasyon, minsan wala na talagang pera, minsan nanakawan, minsan naiwan ang wallet, minsan tinatamad, minsan nakakalimutan, minsan nakakatulog, minsan wala lang.

Basta, mabait na ako ng konti ngayon. Kaya sa mga manong draybers na natsambahan ko dati, sorry talaga. Hind na mauulit. Pramis!

**Sana hindi ako makulong sa confession ko na ito (crossed fingers).

Bagong Pahina »

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.