Gala sa Clark

Nagkaroon na ng direksyon ang buhay ni Wek, aalis na siya sa callcenter na inalisan ko dati at magsisimula na naman siya ng bagong chapter ng buhay niya. Nag-enroll siya sa Clark Education City at magsisimula na siya this February. At dahil, inggetera kami, pumunta din kami nila Aubu at Rhea doon para mag-inquire.

Nakakapunta naman ako ng Clark, pero never pa akong nakapunta doon ng hindi nakikisakay sa may sasakyan, kumbaga perstaym ko na makakarating doon na namamasahe lang. Ganun din sila Rhea at Aubu, kaya ang tawag namin sa lakad na ito ay misadventure na naman.

Nagkita-kita kaming tatlo sa SM Pampanga, sila galing sa Paranaque at Taguig, at ako galing sa Bulacan. Nagtanong kami pa’no pumunta sa Clark at sinagot kami ni manong na sumakay ng jeep pa-”men get”. Nakakatawa ang dinig ko ay “Benguet”. Ang tanong ko, “Manong, Benguet? Baguio ba ito?”  Yun pala ang ibig sabihin ni Manong ay Main Gate.

Pagkababa namin ng jeep, nagtanong-tanong ulit si Aubu at pinasasakay na naman kami ng jeep at sinabi na bumaba kami sa “Park Zone”. Syempre, no idea kami kung ano ang itsura ng Park Zone, buti na lang, nakita ko ang isang tindahan na “Parkson”. Bumaba kami kaga’d at nagtanong-tanong ulit at tama pala ang nababaan namin, si Manong talaga, may accent.

Naglakad na lang kami dahil wala namang public vehicle na dumadaan doon. Natuwa kami kasi maganda ang lugar at presko pa ang hangin dahil maaga pa.

[Lahat ng larawan ay kuha sa aking matanda at gusto ng mag-retiro na cellphone]

At nakakatuwa na nadaanan namin ang isang K-9 Cemetery. Perstaym kong nakakita noon, kaya huminto muna kami at nagpa-picture.

Matapos ang mahaba-habang lakaran, nakarating din kami sa Clark Education City. Eto yung dating Clark Expo na dating nababalot ng kakurakutan, hehehe.

Nag-inquire kami at hinayaan na nila kaming kumuha ng exam ng walang bayad pagkatapos ng halos dalawang oras na pakikipagbuno sa papel, kinausap kami doon at pinaliwanag ang kurso na ino-offer nila. Pagkatapos ng paliwanagan, umalis na kami.

Pauwi na kami ng maisipan namin na totohanin ang plano nung una naming nakita ang Nayong Pilipino. Pumasok kami doon. Ang dahilan talaga sa pagpasok namin doon ay para makapag-CR si Rhea at para makahanap kami ng kainan dahil gutom na gutom na kami.

Nakapag- CR naman si Rhea, pero hindi kami nakakita ng pagkain na gusto naming kainin. Kaya nagkasya na lang kami sa pamamasyal at pagpapa-picture.

Nahahati ang Nayong Pilipino sa dalawa, ang pre-colonial at colonial era. Sa malapit sa entrance ang pre-colonial, kaya yun muna ang una naming pinasyalan.

Sa colonial era na lugar, nandoon ang mga replica ng bahay ng mga major bayani natin.

Bahay ni Rizal

Bahay ni Aguinaldo

Merong mga harang yung mga gamit sa loob ng mga bahay, pero pasensya na kung pasaway, nag-cross kami ng line at nagpapicture si Aubu sa lumang bisikleta at si Rhea sa laruang kabayo.

Hindi ko alam kung bakit walang bahay si Bonifacio, pero meron siyang lugar naman doon.

Bahay ni Mabini

At meron ding replica ng Barasoain Church doon, nakakatawa lang kasi sa Bulacan ito makikita pero kahit kelan, hindi pa ako nakapasok sa totoong church na ito.

Nung makakita kami ng balon, nag-wish kami nila Aubu at Rhea doon, at ng makakita naman kami ng fountain, nag-wish pa din kami. Minsan kasi masarap lang gawin ang nakagawian. :)

Aprub ang gala namin sa Clark kahit na kapagod. Nakapag-side trip pa kami sa Nayong Pilipino at naging bata ulit kahit sandali.

Eto ang mga paang gala naming tatlo. :-D

Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kwentong Kaibigan, Letrato at Iba Pa

9 Responses to Gala sa Clark

  1. ate, napadaan po dito, at nabighani sa inyong mga pwesto.. magandang araw po.. ang saya tumambay… :)

    • salamat sa pagdaan. :)

  2. hayan, nasa galaan ka na uli. ito ang narsmanang na kilala ko, hi, hi…

    ganda ng pics. pero anak ng tokwa, andami! :D

    • konti pa nga yan eh. hahahaha. :-D

  3. sana may mas madami kang pics noh? sana lang.. haha! natawa naman ako kay rhea, ever wiwi queen talaga. haha!

    • hahahaha. piling pili na nga ang mga pics na yan eh. hahahaha. :)

      si rhea, bawat lugar, cr ang hinahanap. nung nagkita nga kami nung una sa sm, cr kagad hinanap. :)

  4. ala

    ang ganda po ng blog nio..;-)

    • salamat ng madami. na-touch naman ako. :)

  5. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s