Samar Lovin’

So ano nga ba ang ginawa namin sa Tacloban?

Dahil sa Bulacan, walang dagat, ang naisip naming gawin doon ay humanap ng dagat na pwedeng liguan.

Nung gabi pagdating namin, nag-suggest ng madaming madami ang tita ni Aubu ng mga beach na pwedeng puntahan.

Meron siyang sinasabi sa Ormoc City at sa kung saan mang lupalop ng Leyte.

Tapos nung nagsearch kami sa internet, nakita namin na ang mga beach pala sa Tacloban/Leyte eh color-coded.

Meron silang White Beach, Orange Beach at nakalimutan ko na yung iba, igoogle niyo na lang.

Anyways, hanggang matulog kami, wala kaming definite na desisyon kung saan kami magmimiming. Basta kelangan naming magmiming sa beach.

Kinaumagahan, nag-alok yung kuya ni Aubu na magbabayad lang ng murang halaga sa kaibigan niya para may sasakyan kami at sa Samar kami magmimiming.

Astig. hindi lang Leyte ang napuntahan namin, pati Samar. :)

Siyempre pa, pagpunta sa Samar, dadaan sa San Juanico Bridge. At kahit bawal huminto at magpa-picture, nagpicture pa din kami [sorry na, perstaym eh, excited]

Tapos nadaan din kami sa kung ano mang bundok o rock formation at kahit wala lang, nagpa-picture pa din kami.

Sa pagpunta namin sa Samar, wala pa din kaming eksaktong lugar na pupuntahan. Roadtrip kung roadtrip.

Tatlong beachresort ang pinagpiliian namin, at magkalayong bonggang bongga yung isa sa dalawang beach.

Okay sana yung beach na ito, white, fine sand at okay naman ang cottages, pero wala na yung floating cottage nila.

Sa itaas naman ang pangalawang beach na pinuntahan namin. Maliit lang siya at hindi magara. At dahil minsan o baka isang beses lang kami sa Samar, mas pinili na namin ang huli kung saan picture perfect ang lugar [ pwedeng ipang-profile pic sa FB, hahaha]

Eto ang Caluwayan Palm Island Resort. Okay siya, maganda ang lugar, tahimik at picture perfect nga.

***para akong nagpapakuha ng 1×1 picture, si Gelat kasi sabi dumiretso ako kasi nakatabingi daw ulo ko, yan tuloy.

Ang lamang pa nila sa dalawang beach na pinuntahan namin, meron silang swimming pool na maganda ang view. :)

Hindi nga lang white ang sand nila, pero solb pa din kami kasi fine naman ang sand at hindi maiinit sa paa [napaso ang paa namin dati sa buhangin sa Zambales]. At sabi nga ni Aubu, mga taong tubig kami, hehehe. :)

At bago umuwi, nagroad trip kami ulit around downtown at kumain kami ng dinner sa McArthur Park. Nagpicnic kami doon sa dilim at pinagmasdan si McArthur. :)

Solb kung solb ang araw na iyon. Twenty pesos lang ang entrance sa beach, 100php ang gamit sa pool. Maliit lang ang ginastos namin, solb pa kami. Talk about budget trips. :)

[Ang mga letrato ay galing sa akin at sa FB ni Gelat]

***Salamat, Gelat!

Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kasambahay sa Bahay ni Tito, Lakbay Nars, Letrato at Iba Pa

8 Responses to Samar Lovin’

  1. ang ganda naman do’n. parang masaya. :D

    • nako, masaya po talaga. hehehe. :)

  2. super like!wahaha,

    • ginawang facebook? hahahaha. :)

  3. ala

    Hi,

    ganda nmn ng trip nio to Tacloban..ask ko lng sa yun pinunthan niong swimming pool with

  4. ala

    Hi,

    ganda ng blog mo.
    ask ko lng san yun pinag swimmingan nio with beach.
    kasi punta kmi ng Tacloban s June…
    thanks a lot for the great help…

    • hello. thanks sa pagbisita. Caluwayan Palm Island Resort yung pinagswimming-an namin. hindi siya white sand, pero maganda yung resort. try visit their site: http://www.caluwayanresort.com/ . kung gusto niyo namang white sand, try niyo yung jasmin beach resort sa Brgy. Amambucale, Marabut, Samar. Sana mag-enjoy kayo. :)

  5. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s