Romualdez Museum

Para lang masabing may iba pa kaming pinuntahan sa Tacloban, pumunta kami sa Sto. Nino Shrine na tinatawag din na Romualdez Museum.

Ito ang showcase mansion [oo, showcase lang siya] nila Imelda Marcos. Never as in never itong natirahan [kaya nga showcase eh, kulit ko din].

Sa unang tingin, mukha lang siyang maliit na matandang bahay, pero pagpasok mo sa loob, mamamangha ka at wag ka, meron siyang olympic size na pool sa likod.

Self-liquidating lang daw ang  PCGG [tama ba?] sa pagme-maintain ng bahay.

Kaya may bayad ang pagpasok na 200php for 1-5 pax tapos additional 20php sa excess na tao at 30php naman ang camera fee [dahil kuripot kami, isang camera lang ginamit namin].

Sulit kapag lima o higit kayo kasi paghahatian niyo lang ang 200.

Guided tour siya na sinabi ni ate na naglibot sa amin na aabot ng 30 mins. Pero kahit na control freak siya at para siyang photographer na makulit, umabot ng isang oras ang tour namin. Sulit na talaga.

Sa pagpasok mo, paghuhubarin ka ng tsinelas o sapatos mo at kelangan mong isuot ang tsinelas na ito.

Sa unang palapag makikita ang altar pero mukhang chapel sa gitna.

Doon din makikita ang 13 o 16 [talagang nakalimutan ko, basta more than 10 yun] na guest rooms nila. Ang nakakatuwa dito ay themed ito, tulad ng Muslim, Ilocandia, Pearl, Bamboo, Coconut at madami pang iba.

***ang unang larawan ay kwarto ni F. Marcos[yung may globe].

Dalawa din ang dining room sa mansion na ito, meron sa ground floor at sa second floor. Meron siyang magarang dining set na kung tama ang pagkakaalala ko na 36 seater pareho.

Pag-akyat mo sa second floor nakakamangha yung ballroom nila na merong malaking chandelier na gawa sa narra. Talk about magarbo.

Sa second floor din makikita ang kwarto ng buong pamilya. Nandoon ang kwarto ni F. Marcos na nasa itaas na at ang bonggang bonggang bongga na kwarto ni Imelda Marcos. Hindi ko alam kung bakit sila magkahiwalay ng kwarto, pero masasabi ko lang na mas magara ang kwarto ni Imelda kesa kay Ferdinand [parang tropa ko lang, ah].

At eto naman ang bonggang bonggang bonggang banyo ni Imelda na way way way bigger and grand kesa sa ibang banyo ng ibang kwarto.

At eto naman ang mga kwarto nila Bongbong, Imee, Irene at little Aimee respectively.

Nakakalungkot lang na madami na sa mga kagamitan ang sira at napabayaan na. Ang ibang dingding, bakbak na. Ang ibang magagarang kasangkapan ang hindi na mapapakinabangan.

Kelan kaya mare-resolve kung sa gobyerno o sa mga Marcos ang bahay na ito para naman ma-restore ang magarang bahay na ito. Sayang eh.

Gusto ko ule makapunta dito, mangha much eh. :)

[Lahat ng letrato ay galing kay Gelat]

Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kasambahay sa Bahay ni Tito, Lakbay Nars, Letrato at Iba Pa

2 Responses to Romualdez Museum

  1. Pingback: Vigan 3 | Dumpsite ni Narsmanang

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s