Kainan at Uwian

Madami ng nangyari, madami ng araw ang nakaraan, pero hindi ko pa din matapos tapos ang blog ko para sa Tacloban Trip.

Para mapayapa na ako, at para hindi ko na ito makita sa drafts ko, ipo-post ko na.

Sa last day namin sa Tacloban, matapos mamangha sa mansyon ni Imelda Marcos, nagpunta kami sa Rafael’s Farm para mag-lunch kasama ang pamilya ni Aubu.

Ang ganda ng lugar. Picture Perfect. Kung taga-doon lang ako, perfect na siyang venue ng kasal para kila kuya. :)

Ang lunch ay treat ng Auntie Nita at Uncle Ken ni Aubu. Masarap ang pagkain doon. Minsan lang, as in minsan lang ako nasarapan sa lahat ng pagkain na nasa plate ko. Minsan kasi, gusto ko ang salad, ayoko ng main course. Minsan naman ayoko ng main course pero gusto ko ng dessert. Dito, lahat talaga masarap.

Before and after kumain, namasyal kami sa paligid. Relaxing ang lugar at masaya ang mga kasama, san ka pa. :)

Sa pag-uwi sumakay kami sa jeep na uber siksikan na may mga bangko pa sa gitna. Si Wek, napakakulit na gusto niya sa top load. Gusto ko din naman i-try ang top load kaso meron kaming kasamang mga nanay kaya no pwede, pero si Wek, halos kalahati ng byahe hinihiling na makalipat siya sa top load, tumahimik lang siya ng inantok na siya at nakatulog.

Pagkatapos bumili ng konting pasalubong, pumunta na kami sa airport. Ayaw na naming maiwan ng eroplano, please lang. At ang nakakatuwa pa, isa sa mga cabin crew sa byahe namin pabalik ay ang kaklase ko nung highschool. Binigyan pa niya ako ng libreng chips at inumin. Thanks, Jessica! Sana everytime na mag-CebuPac ako, kaw ang cabin crew, hehehe.

All in all, masaya ang naging bakasyon namin. Kahit na may mga hassle, kahit merong mga aberya at madaming madaming paghihintay, worth pa din siya ng oras namin at sa wakas, nakadalaw na din kami sa bahay ni Aubu, na perstaym daw niyang nagawa [ang magdala ng kaibigan sa bahay nila doon].

Sobrang THANK YOU talaga, Aubu!

[ang mga letrato ay mula sa camera ko, sa camera ni Gelat at sa camera ni Uncle Ken na nakuha ko sa FB ni Aubu]


Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kasambahay sa Bahay ni Tito, Lakbay Nars, Lamang Tiyan, Letrato at Iba Pa

3 Responses to Kainan at Uwian

  1. hello. :D

    gusto ko roon sa gazeebo sa may lagoon. tama ba, lagoon iyon?

    btw, ikinasal na ba si kuya mo? :] kung di pa, ba’t ka kain nang kain? :D hehehe hala ka, lagot. :]

    • hehehe. hindi pa po kinakasal si kuya, hindi pa nga po siya umuuwi sa bansa eh. hehehe. :)

      kain ng kain para cute pagdating ng kasal. hahahaha.

      mukha ngang lagoon yung nasa pic [hindi din alam?hehe]

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s