Benjie and Tzie’s Prenup

Ikakasal na ang kuya ko sa Martes. Ambilis ng panahon.

Parang kelan lang nagso-soccer lang siya nung elementary siya, sumasali sa science quizbee, nang-aasar ng mga kaklase.

Ngayon, ikakasal na siya.

Anyways, kami ni Gelat ang pinag-asikaso niya ng mga detalye ng kasal niya dahil parehong nasa UAE sila ng mapapangasawa niya. Ilang buwan lang ang ibinigay sa amin, mga 3 to 4 months lang, kaya nga mahirap eh. Tapos tight pa ang budget.

Since meron na kaming venue ng kasal, venue ng reception, caterer, invitations at gowns — konti na lang aandar na ang kasal.

At dahil sa nauusong kalandian ngayon, sumali naman kami. Nagpa-pre nup pictorial din si Kuya at si Ate Tzie.

Umpisahan muna natin ang kwento sa photographer/videographer na nahanap namin.

Siyempre nung nalaman ko na ikakasal na si Kuya, isa sa mga ginawa kong kaadikan ay ang manuod ng sangkatutak na wedding videos at tumingin ng mga wedding photos. Kasabay noon ang paghu-hunting ng pwede at pasok sa budget na mga photographer/s at videographer/s.

Anak ng pating nga lang, tuwing titingin ako sa rate laging nakakalula ang mga presyo. Mga 100,00++ ang mga may pangalan [magkahiwalay pa yun ah, 100,000++ sa video, 100,000++ pa sa photo0 eh yung ganung budget, pang buong kasal na nila kuya yun eh. Nakakita naman ako ng mga okay din pero hindi pa masyadong sikat pero ang pinakamababa na nilang ino-offer ay 25,000++ to 30,000++. Mga raw files pa yun, walang edited photo and video at walang album. Ansakit sa bangs, no wonder ang lakas talaga ng wedding industry ngayon. No, cannot be. Hindi kaya ng bulsa ang mga presyo.

Hanap pa din ng hanap. Baka sakali. Pero wala pa din. Ilang buwan na lang from the wedding, naghahanap ako ng cake topper sa multiply ng makakita ako ng comment sa isang cake maker ng isang grupo ng photographers at videographers. Bale parang pino-promote nila yung product nila sa pamamagitan ng isa pang site.

Ang naka-engganyo sa akin na tingnan ang site nila ay ang nakalagay na — for as low as 2,000++ meron ng photo coverage. At ng tiningnan ko ang portfolio nila, aba — pwede.

Kinontak ko kagad ang pinsan kong si Gelat at ang Kuya ko para ipakita ang nadiskubre ko, at pareho silang pumayag. Si Gelat ang kumontak at voila! Meron na kaming photographers at videographer sa napakababang halaga. :)

Dapat nung nakaraang Wednesday, March 09 ang napag-usapang pre-nup nila Kuya Bench. Nandun nga din si Gelat kasi gusto naming umepal dalawa sa photoshoot. Kaso sa kinamalasmalasan naman, yung nilalakad nila kuya na papers para sa kasal eh hindi natapos ng maaga. Wala kaming nagawa kundi kontakin yung photographer at magpa-reschedule.

Sobrang hiyang hiya kami noon sa kanila, kasi nga naman unprofessional yung ginawa namin, pero wala na talaga kaming magagawa. Tinawagan sila ni Gelat at pumayag naman silang magpa-reschedule pero may charge. Okay naman sa amin yun dahil kasalanan naman namin talaga ang nangyari.

Kinabukasan, biglang hindi pwede si Gelat dahil magsh0-shopping sila ng mga kapatid niya para sa grad dress ng dalawa. Sayang talaga na hindi siya nakasama. Pero ayus na din, atleast may grad dress na yung sisters niya.

Una kong naisip na pagphoto shoot-an nila Kuya ay ang school ko dati — ang New Era University, kaso mahigpit doon kaya scratch the idea na lang. Tapos UP, kaso baka naman hindi mag-emote ng todo yung dalawa. Kaya bumagsak kami sa La Mesa Eco Park.

Nalaman namin mula sa photographer na may bayad na palang 2,500 sa UP para magphotoshoot. Mahal, butas na ang mga bulsa ng ikakasal. Bale, buti na lang talaga sa Eco Park kami bumagsak.

Magbabayad ka lang ng 50 pesos per head sa admin office nila at may pipirmahang waiver for the photoshoot without extra charge, ayus na.

Nakakatuwa lang na ang daming nagpho-photo shoot doon na puro pang prenup na kasabay namin. Siguro mga 4 to 5 couples yung mga kasabay namin. Isa pang nakakatuwa, sila prepared. Ang daming damit na dala, mga nakamake up at naka-ayos ang buhok ng mga girls. Sa amin, zero. As in ilan lang ang damit na dala nila kuya at hindi pa nakamake-up si Ate Tzie. Halatang hindi pinaghandaan. Pero tuloy pa din kami sa picture-picture.

Naging alalay for the day ako at si Wewel naman ay nagvi-video para sa remembrance. Since ang haba ng photoshoot, kung anu-ano na lang ang pinaggagawa namin ni Wewel.

Meet the hard working photographer — Don of Rainbow Photograpy.

Ang usapan lang namin ay 1 pm to 4 pm ang shoot, bale 3 hours lang. Pero nag-exceed siya ng more than an hour without extra charge. Gusto pa nga niyang magpicture kaso sila kuya na ang umayaw dahil sa pagod at gutom. Sobrang sulit niya, pati yung extra charge dahil sa pag no show namin, sinulit niya.

Kung sa pagttrabaho niya, sulit siya. Ang inaabangan na lang namin, ay ang mga pictures niya na resulta ng hardwork niya.

After a week, nakuha na nila kuya ang kopya ng mga pictures nila — tyaran!

PWEDE, di ba? hehehe. Natutuwa ako dahil kahit hindi prepared sila kuya, lumabas pa din na maganda ang mga pictures. Bilib talaga ako.

At di ba, sinabi ko na sobrang sulit? Oo, sobrang sulit niya. For only 2,000php meron ng pre-nup photos sila kuya at yung 500php ang extra charge sa pangi-indian namin sa photographer. Nonetheless, sulit pa din siya. :)

————-

RAINBOW PHOTOGRAPHY

http://rainbowphotography.tumblr.com/

http://rainbowphotography09.multiply.com/

+63 917 933 1698

rainbowphotography09@yahoo.com

Mga Puna

Inihanay sa Uncategorized

9 Responses to Benjie and Tzie’s Prenup

  1. hello, manang.

    magkakahawig pala kayong magkakapatid. :D bagay ang dalawang ikakasal – sweet nila sa pics, hihi… medyo hiya pa si kuya. :D

    ikaw talaga ang promotor. ikaw na ang punong abala. :D

    congrats kamo sa couple. bless their union … “]

    • salamat po. wow, ang dami talagang nagsasabi na magkahawig kami, hindi ko nga lang halata. :)

  2. congrats sa kanila. ikaw sumalo ng boquet sa kasal para ikaw na ang susunod.

    nakikiraan lamang po.

    • hehe. ayoko nga. buti na lang, hindi ako ang napili dun sa game na yun. :) salamat sa pagdaan. :)

  3. nice noh! sulit na sulit yung rainbow photog. i love them na!!

    • ako nga din, i love them na. hehe. sayang lang, malakas lang masyado dating nung isang photographer, parang hindi tuloy sila masyadong makahirit nung kasal.

  4. Tomorrow, Saturday, we will be observing EARTH HOUR. Show your support here.

  5. Pingback: Wedding Photographers | Dumpsite ni Narsmanang

  6. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s