Isa sa mga major na necessity sa isang kasal ay ang suot ng mga ikakasal at mga abay. At isa ito sa major naming problema dahil sa kelangan naming mag-budget.
Sa mga nakikita ko sa internet, ang mamahal ng mga wedding gowns at mga bridal dresses lalo na at mga designer’s. Yung iba, kapresyo na mismo ng budget nila kuya sa buong kasal nila.
Pero no can be yung ganung kamahal, kaya naman naghanap-hanap na lang kami. Pumunta kami ng pinsan kong si Gelat sa Divisoria at doon, nakakita kami ng mga pwede na ready to wear na gowns. Pero kahit na wala kaming budget, syempre mas gusto namin na kahit pa’no customized yung mga damit namin.
At doon umeksena ang appeal ng mga patahian. Nabalitaan ko sa pinsan ko na ang mga gowns na binebenta sa Divisoria ay ginagawa sa Pandi, Bulacan. Sakto taga-Bulacan kami kaya accessible siya sa amin.
Nagdala kami ng mga kopyahan ng mga gown na gusto namin, at sadly hindi nasunod ang mga gusto namin. Iba yung pino-foresee namin kesa sa outcome, pero OKAY lang siya. Pwede NA.
Pero in all fairness dun sa kay Ate na may ari ng tahian, madali siyang kausap, madali siyang ma-contact at laging nagre-reply. Pero mas oks sana talaga kung yung manananahi yung nagsusukat, kasi lahat kami, walang tamang sukat maliban sa wedding gown at mga gown ng flower girls.
Oks, eto na ang mga kinalabasan:
Gown ni Ate Tzie (the bride) – worth 6,000php na may kasama na siyang veil, head dress, pouch at ring bearer pillows.
Barong ni Tatay – worth 2,000php +
Dress ni Nanay – worth 1,200php
Dress ng Lola ko – worth 1,200php


Brides maids Gowns – worth 900php each

Flower Girl’s Gown – 600php each

Barong ni Wewel – worth 800php

Eto naman ang damit ng mga boys. Yung brown pants nila at white long sleeves, sa kanila galing. Yung bowtie, nabili namin sa Divisoria for 80php each at yung suspenders naman ay sa palengke ng Baliuag, Bulacan worth 120php each.
At yung cute na cute na cap nila ay pinatahi namin ng 90php each kasi sa aming galing ang tela.

Eto naman ang proud project namin ng mga pinsan ko, ang cute na velvet pillbox hat.
Bale naghahanap talaga ako ng pagawaan o bilihan ng pillbox hat pero wala akong makita, kung meron naman uber- as in uber mahal naman, yung tipong mayaman lang ang pwedeng magsuot nun. At dahil hindi kami mayaman, naisip na lang namin ng mga pinsan ko na gumawa na lang ng sarili naming pillbox hat.
Bumili kami ng pinsan kong si Ate Bhing (ang designer namin) ng mga kakailanganin namin sa Divisoria, ang takbuhan ng mga nangangailangan.
Ang mga binili namin, brown velvet na tela dapat 1 yard lang ang bibilhin namin pero dahil sobrang bihira naman ang nagtitinda ng velvet (promise, ang hirap talagang humanap) at ang natitira nila ay 1 and a half yards, hindi na nila pwedeng hatiin kaya napapayag na kami na bilhin yun kesa wala. Bale dapat 300php yun pero natawaran namin ng 250php.
Bumili rin kami ng brown tulle para magmukhang net sa harap ng mukha, worth 25php ang isang yard.
At yung matigas na tela na puti, 70php per yard, bumili kami ng 2 yards.
Ang huli ay ang mga naglalakihang bulaklak na pinakamahal sa materyales na worth 45php each. Since 8 ang abay, 8 din na bulaklak ang binili namin at bumili din kami ng maliliit na bulaklak para naman sa mga flower girls.
Tinyaga naming tahiin ang mga pillbox at sa pamamagitan ng design ni Ate Bhing at ang pananahi namin nila Ate Joyce, Yo at Lola ko, natapos namin ang sobrang proud ako na obra namin — ang cute na cute na cute na pillbox hat namin.

At eto rin ang hand made naming fascinator ng mga flower girls na gawa din sa velvet, tulle at cute na bulaklak.

All in all, kahit pa’no successful naman ang mga damit naming lahat kahit na medyo disappointing yung sa mga bridesmaids. At least cute yung sa mga flower girls at yung wedding gown ay maganda at mura pa.
More or less, 20,000php to 25,000php lang ang ginastos namin sa mga damit at accessories ng lahat. O di ba, wala pa sa 1/8 yan ng price ng mga normal na designer’s wedding gowns. Pwede na para sa isang budget wedding.

Okay sa Pandi basta dapat straight at malinaw ang usapan niyo ng mananahi at nakatutok ka talaga.
——————–
Patahian sa Pandi, Bulacan (madami talaga doon, tabi-tabi na sila)
Grace Park St., Bagong Barrio, Pandi, Bulacan







hello, manang! kamusta?
ikaw na, ikaw na ang mahusay mag-budget, haha! pwede pwede ka nang maging wedding planner, hehe…
wahahaha. hindi naman. kaya ko lang naman binblog yung mga details ng kasal kasi baka sakali makatulong sa iba, tulad ng ibang blogs na nakatulong sa paghahanda namin ng kasal. hehe. karamihan kasi ng information at ideas sa kasal ni kuya nakuha ko kung saan saang blogs.
winner ang mga ring bearers natin! love them!! haha! saka winner din yung pillbox!
thanks gelatski.
gwapo ni gab no?
ung 6k na bridal gown, sa mananahi ba ang tela? anong tela ang ginamit dun? Thanks!
hello. opo, sa mananahi yung tela, kasama na siya sa 6k. kung tama ang pagkakaalala ko, star satin ata yun. kapag yung normal na satin lang 4k lang ata yung magiging presyo.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang
pano po ba makarating ng pandi? from taguig po ako. tnx.
uhm, hindi ko po sure, pero sakay ka ng bus papuntang sta. maria, bulacan, sa manila pa ata merong sakayan na ganung bus. tapos from sta. maria may sakayan na papuntang pandi. ayun. goodluck!
ok. salamat