Ikaw Pala – Sugarfree
Kung saan saan na napadpad
Naglakad, lumangoy, at lumipad
Tuwing akala ko, pag-ibig ay tunay na
Hindi pala, hindi pala
[refrain]
Nung hindi na nakatingin at saka ka dumating
Nandyan ka lamang pala
Di ka lang nagsasalita
[chorus]
Ikaw pala, aking hinahanap
Bahaghari sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit, sa puso kong
napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?
Ikaw pala
Ang aking napapaginipan
(ikaw pala) awit na di matanggal
sa aking isipan
Di na mahalaga, kung saan ako dalhin ng hangin
Basta’t nandito ka sa king piling

Gusto talaga ng tropa ang Sugarfree at ang kanta nito, halata dahil theme song ng isa naming tropang kinasal ang isa sa mga magaganda nilang kanta.
Natapos man ang samahan ng bandang minamahal namin, nagsimula naman kasama ng kanta nila ang buhay may asawa ng kaibigan naming si Ming.

Naalala ko pa nung college kami, ang pinag-uusapan lang namin ay ang mga crush, ang pagiging NBSB [No Boyfriend Since Birth], mga angst namin sa buhay, mga pangarap at punung-puno ng tsismisan, asaran at tawanan. Ganun lang kasimple dati ang buhay.
Pero ngayon, meron ng isa sa amin ang natagpuan ang bagong landas na tatahakin niya. Natagpuan na niya ang kahawak kamay niya sa pagtahak ng mahabang lakbayin ng buhay. Natagpuan na niya ang kanyang kaligayahan.
Matatanda na talaga kami.
Kung dati crushes lang, ngayon asawa na. Kung dati projects lang, ngayon babies na. Kung dati duty lang, ngayon kasalan na.
Ambilis ng panahon. Pakiramdam ko, 16 years old pa din ako.

Mingming,
Masaya ako para sa’yo. Promise. Alam ko, madami ka pang pangarap sa buhay, madami pang gustong makuha at marating. Ang kaibahan nga lang, may kasama ka na sa pag-abot ng lahat na iyon – si Notnot at si Baby Boy.
Excited na ako para sa magiging buhay mo bilang misis at nanay.
Sana walang kalimutan at magkita-kita pa din tayo balang araw kapag napagpasyahan niyo na na mangibang bansa. Kapag uuwi ka ng Pinas, makipagkita ka sa amin, please? Promise, hindi ako magpapalibre o hihingi ng pasalubong. Basta sana magkita-kita pa din tayo. Matupad sana ang pangarap natin dati na makakakita ang mga tao ng limang middle-aged na mga babae na maingay na nagkkwentuhan at nagtatawanan habang nagkakape o kumakain every week or every month, pinagkkwentuhan ang buhay buhay, ang kanilang pamilya at mga anak at ang kanilang trabaho. Sana talaga matupad yun.
Mahal na mahal kita!
Ang iyong ka-KingKong Barbie – Manang. <3
***pagpasensyahan na ang paggawa ko ng isang matinding trying hard, amateur wedding video para kay Mingming at Notnot.







hello! kamusta? :]
ganda ng kanta at ng message.
opo nga, magaganda talaga kanta ng sugarfree. hehehe.
oks naman po ako, kaw po, hehehe.
oks naman, thank you. nakauwi na ako roon sa amin nitong holy week – first time i did since i started the blog… ang dami na ngang nag-iba. :s
maganda naman ako, di gaya ng dati,hi,hi… happy easter!
congrats kay mingming!! suki tayo ng mga kasalan ngayon ate maida.. haha! galing naman ako sa kasal ng ate ni chat. haha!
hehe. daming kinakasal.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang