Subok

Kasama ang bag ng kapatid ko na naglalaman ng sangkatutak na papeles at patunay na nakapag-aral ako, nakapag-seminar at nakapagtrabaho, ipod ng kapatid ko pantanggal ng pagkainip at mga librong mabibigat para makapagreview, pumunta kami ng pinsan ko sa isang agency sa Maynila para mag-apply papunta sa ibang bansa.

Nung unang araw, dinala kami sa PICC upang kumuha ng exam. Matagal bago nagsimula ang exam, kaya nagutom kami at naghanap ng makakain sa loob ng PICC. Pero dahil sa kaba, hindi din ako nakakain masyado.

Kasangga ng tyan ko ang konting ensaymada at ng utak ko ang konting konting kaalaman na nanatili pa sa haba ng panahon, nag-exam ako. 30 items lang siya, pero sa totoo lang, mas mahirap pa siya sa board exam na kinuha ko dati.

Mahirap na tipong, gusto ko ng kunin ang bag ko at tumakbo palayo. Pero siyempre, hindi ako drama queen, nanghula na lang ako at tinapos ang exam na halos gusto ng umiyak.

Pareho kami ng pinsan ko na hindi na nag-eexpect pa na makapasa kami kasi sobrang hirap.

Pero ng sumunod na araw, tinawagan ang pinsan ko, ako hindi. Pumunta siya, pero dahil ubod ng gulo ng agency, umuwi na lang ang pinsan ko na walang nangyayari. Kinabukasan naman ako naman ang tinawagan. Pumunta ako doon na mag-isa at pumila ng napakatagal.

Humigit kumulang na walong oras akong naghintay. At wala lang ding nangyari. Magulo talaga nung araw na iyon. Umalis na ako ng past 8pm na kasi uuwi pa ako ng Bulacan at nasa isang di ko kilalang lugar ako at pag ganun ang sitwasyon, madalas sa madalas naliligaw ako. At akalain mo, naligaw nga ako. Haha.

Pag-uwi ko, nagtext na naman sila, at sinabi na pumasa ako sa exam. At ganun din ang pinsan ko. Akalain mo yun. At dahil doon, pumunta na naman kami sa agency kinabukasan.

Nalaman namin mula sa kanila na out of more or less 400 examinees, more or less 50 lang ang pumasa. At out of 50 na yun, 15 lang daw ang kinonsider dahil sa hospital working experience at iba pang bagay. At dahil 15 lang sila, kinonsider ng Ministry of Health ng pinagaaplayan naming bansa na iconsider din na pumasa ang mga nag-short ng 1 point para pumasa. At doon kami pumasok ng pinsan ko. [Dear God, sana hindi po mahalata na nagyayabang ako ng konti. :) ] Pareho kami ng score pero magkaiba kami ng set ng exam na kinuha. Pagkakataon nga naman.

Pero sa huli, ang pinsan ko lang ang nagqualify para interviewhin ng Ministry of Health dahil hindi pa din pala pasok ang length ng hospital working experience ko. Nagpa-interview pa din ako para sa ibang ospital o posisyon sa nasabing bansa. Ng matapos ako, hinintay ko ang pinsan ko. At naghintay na naman kami ng more or less 8 hours na naman. This time, wala kaming lunch o meryenda. Literal na walang laman ang tyan namin maliban sa tubig buong araw na iyon.

Pero ayus lahat ng pinagpaguran at pinaghintay namin. Sulit na sulit kasi pumasa ang pinsan ko sa interview! Hindi man ako pumasa, ang iniisip ko na lang, kaya hindi ako nakapasa at nabigyan ng pagkakataon para mainterview ay dahil sa kulang pa ng taon ang pagiging rehistradong nars ko at ang working experience ko. [Pampalubag loob] :)

Masaya pa din ako kahit na hindi ako nakapasok, basta ang pinsan ko na mas kelangan iyon ay pumasa. Talagang mabait ang Diyos. :)

At kahit na nabilad ako sa init ng araw, nabasa sa malakas na ulan, nagutom, napagod at nabigo — ayos lang. Ang importante, sumubok ako at sinubok ang aking kapalaran.

Mga Puna

Inihanay sa Ang Buhay Nars, Araw-araw na Buhay, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kumikitang Kabuhayan

9 Responses to Subok

  1. haha! super like ko to… go,manang! :)

    • salamat po! :)

  2. galing ni ate joyce at syempre ikaw din tol, sana ako din!hehehe,

    • naman. salamat tol. hahaha. :)

  3. galing nyo naman!! kaelibs!! congrats kay ate joyce :) teka teka teka.. NALIGAW KA??!!! nako! bagong-bangong balita yan ah!! hahaha!

    • hahahaha. oo naman, bagong lugar eh, edi naligaw ako. hahahaha. nako, si ate joyce naghihintay na lang ng salary offer, ako eto wala pa din.

  4. salamat pala sa pagpost ng gelat gadgets! you’re the best!!

  5. Pingback: Isang Araw « Dumpsite ni Narsmanang

  6. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s