Road Trip to Vigan 1

Nag-aadik ako ngayon sa Harry Potter kasi malapit ng ipalabas ang last movie nila. Bale tinatapos ko lang naman ulit ang 7 books ng HP at ang mga movies nito. Medyo nakakapagod na nga ito eh, hehe. Ng binabasa ko na ulit ang mga libro na-realize ko na ang tanda ko na. Ilan taon na ba ang nakaraan?

Anyways, dahil napakatagal ng nakatambak ang mga pictures ng family trip namin sa Vigan dito sa dashboard ko kelangan ko na ding i-post ito bago tuluyang makalimutan ko ang mga pinaggagawa namin doon.

Bale, matagal na matagal na matagal ng plano ng pamilya ko na magroad trip. Yung adikang road trip, pero hindi matuloy-tuloy, hindi ko alam kung bakit. Kaso nung umuwi ang kuya ko para magpakasal, siya ang naginitiate na ituloy na namin. At ang napiling destination — Vigan.

April 12, 2011, umalis kami ng Bulacan ng 11:45pm. Ang kapatid kong bunso ang nagda-drive, ang tatay ko sa tabi niya. Sa gitna ang nanay ko, Kuya Benjie at ang asawa niya at sa likod kami ni Aubu at ang mga bagahe at pagkain namin.

Pinilit naming matulog pero parang ang babaw ng tulog namin buong byahe.

Huminto kami sa Jolibee Urdaneta para ng mga 3am para mag-CR at para na rin kumain.

At ng makakita kami ng dagat along the way ng mga 5- 6 am, naisipan din naming huminto at magstretching stretching.

Mga 7 am kaming nakarating sa Vigan at naisipan naming sumakay ng kalesa. Mahal ang singil sa kalesa pero sabi ng tatay ko hayaan na namin, minsan lang naman kami mapupunta sa Vigan at minsan lang kami pupunta ng Vigan at libutin ito ng naka-kalesa. Kaya keri na rin.

Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kaadikan at its finest, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kwentong Pampamilya, Lakbay Nars

5 Responses to Road Trip to Vigan 1

  1. hantaaagaaaaal pala ng byahe.. how much bayad sa kalesa?

    • natawaran pa namin 100 each. namahalan kami kasi ilang minuto lang yun no. hehehe. antagal talaga ng byahe, si wewel ang pinakakawawa. hehehe.

      • uu nga patyagaan talaga magdrive. haha!

      • uu nga. tyaga talaga si wewel.

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s