Una kaming dinala ng nagkakalesa sa St. Augustine Bell Tower. Ang sabi ni Manong na sumama sa amin sa pag-akyat ng bell tower, binutas daw yung bell dito para lang ilagay ang espada ni Panday. Ganun daw nila kamahal si FPJ, hehe.





Pagkatapos nun pumunta naman kami sa Pagburnayan kung saan makikita ang paggawa ng mga banga at paso. Sayang wala talagang live na gumagawa pa nung time na yun siguro kasi sobrang aga pa noon.



At ang huli naming pinuntahan ay ang Hidden Garden. Para sa tatay ko na sobrang hilig sa halaman at bulaklak, haven ito. Sa katunayan nga hindi niya napigilan na bumili ng halaman mula dito.




At sa Hidden Garden din kami bumili ng Vigan Empanada na naguumapaw sa mantika, pero masarap naman siya, promise.


Tapos kumain pa ulit kami ng empanada dahil ito daw ang specialty nila. Sabi ng tatay ko, dapat kapag pumupunta ka sa isang lugar, titikman mo yung mga specialty nila o mga pagkain na sila lang ang meron. Kumain din kami ng Ukoy/Okoy na peyborit naman ng nanay ko.









hala! ang gaganda ng pics nyo, pramis! nanggaling din kami dyan sa mga pinuntahan nyo, hehe. noong nasa hidden garden kami, umulan ng bonggang-bongga, di tuloy kami nakaikot ng husto…. pero, inaakyat din namin ang bell towers, ahaha. kahingal much.
ang payo ko ay kailangan munang mag-exercise before mag-vigan trip, lols!
thanks po. hehehe. nako, oks lang po yun, puro halaman lang naman po makikita niyo, mas nagenjoy po talaga dun tatay ko eh, mapagmahal kasi sa halaman yun.
haha! may pandagdag ulit si tito sa farmville nya
nako, laging pinapipicture-an sa akin ang farmville niya, kapag may bunga na ang ganito, may bulaklak na ang ganito. opisyal potograper ako ng mga halaman ni itay. hahaha.
sarap nun saging bigay ni tito!
natuwa naman si tatay. hehe.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang