At eto talaga ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa Vigan — ang makita ang mga lumang bahay, lumang kalsada at mga lumang gamit. Para talagang pumunta ka sa ibang panahon, kung hindi lang sa mga tindahan sa mga gilid gilid ng kalye.
Meron ding malalaking lumang bahay dito sa Bulacan, pero iba sa Vigan kasi buong kalye ay na-preserve nila. At saka karamihan ng mga magaganda at malalaking lumang bahay dito ay hindi naman pwedeng pasukin kasi private property pa din ang mga ito at hindi ginagawang museum.
Meron tuloy akong naalala na lumang bahay na giniba dito sa may amin dahil sobrang napabayaan na. Nakakalungkot tingnan na giniba lang ang ubod ng tandang bahay. Sabi ng tatay ko, dati daw nung mga bata daw sila ay pasyalan daw ng karamihan ng tao ang bakuran ng nasabing bahay dahil napakaganda daw at may fountain pa daw na bihira sa bayan namin. Nakakahinayang talaga.
Kaya sobrang elibs ako sa mga nakapagpanaliti ng kagandahan ng isang kalye ng Vigan.















ei, nakapunta rin kami sa old houses sa vigan. may 300 years old, may 400 years old na… palumaan sila at pagarbohan ng living rooms at kontes rin sa pagiging spooky, ahaha!
ay, nakapunta rin pala ako long, long time ago sa historical houses dyan sa bulacan. field trip yata yon sa history class. doon sa mga bahay na mitingan noong panahon ng pag-aaklas laban sa espanol. nakakatuwa rin, marami pang na-preserve.
napansin kong ang hihilig nila sa magagara at makikintab na sala noon, ahaha… hello, manang.
ako taga bulacan lang pero hindi pa ako nakakapasok ever sa kahit anong lumang magagarang bahay sa bulacan. weird. sablay na ako sa love your own.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang