Road Trip to Vigan 3

Sumunod naming pinuntahan ang dalawa sa madaming museums o lumang bahay sa Vigan.

Isa sa mga magkakamukha naming trait ng mga kapamilya ko ay ang pagiging mahilig sa museum at mahilig sa mga lumang bagay. Isa nga sa favorite naming TV shows ay ang Pawn Star sa History Channel na karamihan ng finifeature ay mga lumang bagay. Feeling ko nga kaya kong magpalipas ng ilang oras na nasa loob lang ng museum. :)

Una naming pinuntahan ay ang Crisologo Museum. Libre ang pagpasok dito pero tumatanggap sila ng donation. Isa ito sa mga pinakamagandang lumang bahay na nakita ko, pero syempre mas maganda pa din yung mansyon ni Imelda sa Tacloban. Kitang kita mo ang karangyaan sa loob ng bahay. Mga old rich talaga.

Sumunod naming pinuntahan ay ang Padre Burgos House. May entrance fee dito na 20php kung tama ang pagkakaalala ko. At eto na rin yung time na wala ng baterya ang camera ko. Kaya inasahan na lang namin ang camera na dala ng kuya ko.

Hindi nila masyadong na-appreciate etong bahay na ito kasi gandang ganda talaga sila sa Crisologo residence. Pero para sa akin, walang hindi magandang lumang bahay, wag ko lang titirhan. :)

Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kwentong Pampamilya, Lakbay Nars

3 Responses to Road Trip to Vigan 3

  1. ei, ni-renovate ang bahay mo, narsmanang! ang ganda po.

    congrats! kailan ang blessing? anu-ano ang handa? hehe…

    pupunta ako – am inviting myself over, ahihi… :

    • hahaha. tenks po?

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s