Isang beses niyaya ko si Aubu na mag-apply-apply para naman masabi ng nanay at tatay ko na may ginagawa ako sa buhay ko [pero sa totoo lang, andami dami ko ng naaplayan, tipong nakakapagod din minsan, pero bawal magreklamo].
Pumayag naman si Aubu, ever reliable talagang kaibigan siya.
Anyways, nagtungo kami sa Maynila para mag-apply pero nabigo kami dahil may kelangan pang exam na ipasa bago makapag-apply sa kanila.
At kesa umuwi kaagad, nagyaya ako na pumunta kami sa Museong Pambata dahil huli pa akong nakapunta doon ay Grade 4 ako at ang naalala ko na lang na parte ng nasabing museo ay yung lugar kung saan may telepono tapos katapat noon ay mga pictures ng mga batang bayani, tapos kapag tinapat mo sa tenga mo yung handset, may magsasalita. Hindi ko na nga lang matandaan kung anong sinasabi.
Anyways, yun na nga nagkayayaan kami at pumayag si Aubu.
Kaso walang may alam sa amin kung nasa’n ang Museong Pambata, basta ang alam namin nasa Kamaynilaan lang siya.

Sa paglalakbay, nakarating kami sa Rizal Park. Naglibot-libot na din kami doon at nagpicture-picture dahil nandoon na din kami.









At ang pinakagusto naming makita talaga ay yung drinking fountain na binalita sa TV kelan lang na paborito daw inuman ni Rizal nung nasa Germany pa siya. Hinanap namin siya ng bonggang bongga at nakita din naman namin after a while, pero pagkadating namin doon, umulan ng sobrang lakas at kahit na may payong si Aubu, hindi ito naging sapat para hindi kami mabasa.
At ayun na nga, ang kinalabasan namin ay dalawang babaeng mukhang basang sisiw na naglalakad sa Kamaynilaan.

At nga pala, pumunta na lang kami sa National Museum ng basang basang basa matapos naming manggaling sa Rizal Park. Tamang trip lang. Yung National Museum na pinuntahan namin ay yung libre lang ang entrance at dati atang House of Representatives kung hindi ako nagkakamali.
Konti lang ang laman nito di tulad nung isang Building ng National Museum, pero ayus na din kasi ang gaganda ng mga paintings na nandoon.
Nacreepy-han nga lang kami ni Aubu kasi ang laki laki ng lugar, konti ang tao at nakakatakot yung ambiance.
Sayang wala akong picture kasi si Aubu nagpicture doon.
Kaya Aubu, penge na ng kopya ng pictures!
Scheduled post: July 31, 2011







wahaha, sori naman sa piktyur, 2 be announced kung kelan maisshare, >:)
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang