Sa wakas, natuloy na din ang pagpapa-medical examination ko para dun sa ina-apply-an ko.
Dahil pre-medical examination lang naman siya, kinuhanan lang naman ako ng dugo para i-check kung may Hepa ako.

At in-xray para naman icheck kung may TB ako o scar ang lungs ko.

Sa totoo lang, ito ang pinakinakatatakutan ko kasi recently inubo ako ng bonggang bongga tapos parang lagi pa akong puyat at lagi pang pagod. Kinabahan talaga ako para dito.
Nung sinabi ko kila tatay at nanay yung worries ko tungkol sa xray na baka may makitang peklat na baka nagka-TB ako o may TB ako, ang sabi nila — uminom ako ng sterilized na Bearbrand.
Sterilized na Bearbrand?
Para saan?
Para daw pumuti ang lungs.
Gatas? Nakakaputi ng lungs?
Eh ang lahat ng iinumin mo sa sikmura ang diretso, eh bakit nakakaputi ng lungs?
Anyhoo…
Bago ako magpa-xray,
uminom ako ng dalawang Bearbrand Sterilized.
Parang hindi nar-es. Hahaha.

At recently lang, nalaman ko na ang resulta. Wala akong hepa at clear ang xray ko! Yiheeeeee!!!! Epektib ang Bearbrand Sterilized! Hahahaha.
Bumalik na naman ako ulit sa PRC para may kunin na namang dokumento. Buti na lang meron akong part-time job at least may panggastos ako sa mga ganitong bagay.


Hay nako, sana talaga maging okay talaga lahat.
Scheduled Post: August 24, 2011







Kaito and I are so happy for you
Ganito yung message nya sakin pagkasabi ko dun sa good news bout you: ” Wow talaga? Pakisabi sa kanya congrats saka masayang masaya ako para sa kanya”. Goodluck and God bless! Love you much! And congrats sa epektibnes ng bearbrand. winner na winner yun! haha!
salamat!!!! ansaya saya. sana tuloy tuloy. nako, pakisabi kay kaito na salamat at natutuwa siya para sa akin. sana makita ko kayo ulit together. libre niyo ako! hahaha. yung bearbrand, ewan ko ba dun. haha.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang