Ja-pon

Nabalitaan ko na merong exhibit ng mga anime icons mula sa Japan sa Metropolitan Museum na hanggang August 20 na lang.

August 17, 2011

Niyaya ko kaagad ang adik sa anime at mangga na si Aubu at nagpahatak naman siya.

Dahil pareho kaming galing sa trabaho, hapon na kami nagkita at 5pm na kami nakarating doon.

Buti na lang hanggang 6pm ang museum.

Tatlo na lang kaming nandoon na tao na bumisita sa museum, yung isa hapon. Kaaliw lang.

Hindi na sila masyadong mahigpit noon dahil pasara na nga sila. Katawa lang, kung hindi pa namin hinanap yung babayaran namin ng entrance fee, hindi pa kami kukunan ng bayad namin. Bale 100php ang entrance fee sa museum na ito.

Dahil nandoon na din kami, nilibot na namin ang buong museum at namangha na naman. Buti na lang talaga pareho kami ng trip ni Aubu at mahilig kami sa museum kung hindi wala akong makakasama sa pagpunta punta sa mga museum. Tenks talaga ng madami, Aubu.

At tuwang tuwa kami sa exhibit ng mga characters na kinalakhan namin. Nakakaaliw din na pareho kami ng mga hindi kilala na characters at mga kilala namin. Nakakatuwa din na malaman na talagang part ng culture ng Japan ang mga anime. Meron doon na picture na pinapakita na isang middle-aged na business man na nagbabasa ng mangga at tumitingin ng mga laruan.

Actually, isa lang naman talaga ang gusto ko sa pagpunta dito eh, ang makapagpa-picture sa tabi ni Rei ng Neon Genesis Evangelion. Sobrang gusto ko talaga kasi siya simula pa ng elementary ako. Wala lang.

Sabi naman ni Aubu, next naman ang Marikina Shoe Museum at pagbibigyan naman niya ako sa Museong Pambata ko. Yipee! Field Trip na field trip lang. :)

Scheduled Post: August 24, 2011

Mga Puna

Inihanay sa Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kwentong Kaibigan, Lakbay Nars, Letrato at Iba Pa, Paborito at Kaadikan

3 Responses to Ja-pon

  1. Pingback: Lakad « Dumpsite ni Narsmanang

  2. aus aus! kelan na ung punta natin ng ayala museum at marikina at museong pambata? excited na ako ulit!

  3. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s