PBA

August 21, 2011

May nakuhang complimentary ticket para sa PBA Finals at syempre pa, naki-hitch kami ng kapatid ko na si Wewel dahil simula magkaisip kami, San Miguel na ang paborito naming team sa PBA.

Pero hindi na sila San Miguel ngayon, Petron na. Pero all the same, fan pa din kami.

Dati akala ko, hindi na masyadong suportado ng tao ang PBA pero ng makita ko ang dami ng tao sa Araneta, natuwa naman ako. Talagang basketball lovers pa din ang mga Pinoy. At nakakatuwa din na ganu’n kadami ang nanuod kahit hindi Ginebra ang naglalaro.

Sobrang saya kasi katabi din namin ay mga fans ng Petron. Sigawan lang ng sigawan. Talunan lang ng talunan.

Dahil medyo maaga kami, nakakuha din kaming magkakapatid ng libreng tshirt ng Petron. Yiheee.

Dahil sa sobrang sigla at sigaw ng dalawa kong kapatid, eto ang itsura nila nung halftime. Parehong pagod at parehong masakit ang ulo. Buti na lang may baon si Wewel na Dolfenal.

Syempre, yung makapanuod ka lang ng live, masaya na, mas masaya kung nanalo yung team na sinusuportahan mo. At nanalo naman sila, obvious naman sa reaksyon ng kuya ko. Hehe.


Congrats, Petron!

Sa susunod ulit ah. Sana manalo kayo ulit. :)

Scheduled post: August 27, 2011

Mga Puna

Inihanay sa Kaadikan at its finest, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kwentong Pampamilya, Larawan na lang ang Magsasabi, Letrato at Iba Pa, Libangan at Anik-Anik, Paborito at Kaadikan

2 Responses to PBA

  1. ahaha! raise the roof… :)

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s