Virax and Aubu’s Bday Celeb

Nung Friday, August 26, 2011 ay napag-usapan na magkikita kita kami ng mga ka-KB ko para i-celebrate ang birthday ni Aubu.

Excused si Mingming kasi nag-aalaga ng baby at nakatira na sa mga in-laws, bawal munang maggala-gala.

Si Rhea naman on the last hour, ay nagback out dahil hindi daw siya pinayagan dahil galing pa siya sa South.

Kaya kami na lang nila Aubu at Virax ang natuloy.

Ang orig na plano ay ang magi-isaw kami sa UP at hahanap ng kakainan ng dinner, pero dahil sowsyal si Virax at umuulan ulan, nagyaya na lang si Virax sa Maginhawa Village. Dinala kami ni Vrax sa Moonleaf para uminom ng milk tea pero blockbuster siya since Firday kaya nagyaya na lang akong maghanap ng kakainan ng dinner.

Naisip ko na pumunta kami sa Vangogh is Bipolar dahil nandun lang din naman yun. Kaso ng makapunta kami doon, by reservation na lang pala ngayon para makapasok doon. At saka medyo nagbago na ang ayos niya kesa sa huli naming punta. Sayang lang pero nag-move on naman kami kaga’d at humanap ng makakainan.

At dito kami napadpad:

Nakakaaliw yung server, extra miles pa siya sa pagjo-joke, paga-assist at pagchi-chika sa amin. Dumating kami ng wala pang masyadong tao, pero nung dumating na ang 8pm, napuno din ang lugar. Siguro nga kasi Friday.

Dahil bihira din kaming magkita-kita at birthday pa nila, sinelebreyt na naming tatlo ang birthday nilang dalawa. Kaaliw lang, ako lang ang bisita nila. :)

Isang nakakaaliw na usapan namin ni Aubu nung bumili kami ng cake para kay Virax:

Aubu: 25 na si Virax no?

Ako:…..

Aubu at Ako: Wahahahahahahahahahahahahahaha (repeat til fade). :)

Nakakatuwa lang na mas matanda na ulit sa amin si Virax. :)

Ligayang Ligaya lang ako. :)

At eto naman ang nakakabusog na dinner na nilibre nilang dalawa sa akin. Ang sarap na nagiisa ka lang na bisita ng dalawang nagce-celebrate. Ikaw lang ang nililibre. Wahaha.

Sobrang nakakabusog ang mga pagkain at mas nakakabusog ang kwentuhan at tawanan. Tapos niregaluhan pa ako ng lip balm ni Virax eh siya naman ang may birthday. Sana may susunod pa…. na libre. Hehehe.

Happy Birthday ulit, Aubu at Virax! :)

Mga Puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa, Kwentong Kaibigan, Lamang Tiyan

7 Responses to Virax and Aubu’s Bday Celeb

  1. dameng foodams!!

    • kaya nga eh, ansarap. :)

  2. talagang malapit na akong mamatay sa inggit sa’yo, manang. una, mantakin mong ikaw lang ang special at natatanging panauhin ni aubz at virax. teka, bat naman virax yung nick nya? parang gamot lang laban sa virus eh. whaaaa!

    tapos, panood nood ka na lang ng PBA at pa attend attend ng childrens party. tsk.

    inggit ako.

    • weh. weh. weh. hahahaha. virax kasi viracris pangalan niya eh. ayun. madami ngang nagsabi na na parang gamot yung pangalan niya. yung pba hindi ko mapapanuod kung hindi libre ang ticket. talagang kelangan kong magexplain no?

      maraming salamat sa pagdaan duking! :)

  3. ahaha! ikaw na ang swerte… :) happy birthday to your friends! ba’t di ka nga pala humirit ng libreng inom? naitatanong lang, ahaha… :-)

    • wahaha. swerte nga po talaga. eh, yung inom, shot shot lang, uuwi pa kasi ako ng bulacan eh. hehe.

  4. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s