Manga Realities

Dahil meron kaming museum hopping project ni Aubu, napagpasyahan naming pumunta sa Ayala Museum para sa “Manga Realities”.

Ilang taon din akong nagtrabaho sa Makati, pero hindi pa ako nakakapunta dito kaya naman medyo nangapa-ngapa pa din kami ni Aubu kung paano pumunta doon. The usual naming eksena kapag magkasama, naliligaw.

Nakarating din naman kaming maluwalhati doon. 150php ang entrance fee. Hindi ko alam kung kasama ang iba pang parte ng museum pero pinuntahan din namin yun. Wala naman kasing pumipigil sa amin.

Nakakaaliw lang ang mga naka-exhibit. Tuwang tuwa lang kami ni Aubu. Mahilig kasi sa Manga si Aubu kaya naaliw din naman siya.

Isa ito sa pinakapaborito kong piece. Ang cute. Ang simple simple pero sumasalamin sa pagiging bagets at kinikilig. Sana magaling akong mag-drawing tapos gagawa din ako ng ganito. Hehehe.

Meron ding classroom doon na setting ng isang manga. Dito din kami nagpicture-picture ni Aubu para sa pagbati sa nalalapit na kasal ng college batchmate at friend namin.

At meron ding simpleng simpleng room doon na setting din ng isa pang manga. Yung ganito kasimple at kaliit na pad, masaya na ako. Gusto ko nga ng ganito lang na lugar kung single ka lang eh. Lahat ng space may silbi. Kung may pera lang ako, papagawa kong parang ganito ang kwarto ko para sowsyal. :)

At bumili din kami ni Aubu ng guide book sa halagang 150php. Sabi nga namin, perstaym na gumastos kami ng 300php para sa isang local museum. Pero sulit pa din. Madami kaming nakita at nabusog ang aming mata at natamnan naman ng konti ang aming utak.

Sana malapit na ang Marikina Shoe Museum at Museong Pambata trip natin, Aubu. :)

Scheduled Post: September 27, 2011

Mga Puna

Inihanay sa Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Kwentong Kaibigan, Lakbay Nars, Letrato at Iba Pa

2 Responses to Manga Realities

  1. Pingback: Museo « Dumpsite ni Narsmanang

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s