Hindi namin alam ni Aubu kung kasama sa binayaran namin ang ibang parte ng museum ng pumunta kami sa Ayala Museum para sa Manga Realities pero dahil walang pumipigil sa amin at dahil mahilig talaga kami sa museum, lumibot na din kami sa ibang bahagi nito.


Pinakanakakatuwa na parte doon ay ang mga diorama na nagsimula sa mga cavemen pa hanggang sa People Power ata yun. Naaliw lang ako sa particular na diorama na ito dahil nagtataka ako kung totoo bang merong elepante sa wild ng Pinas dati. Bakit kaya nawala na sila ngayon dito sa atin kung meron dati? Wala lang.

At ang mga sumusunod ay kami ni Aubu na nagpapakita ng comparison ng height namin sa iba ibang tao. Natutuwa si Aubu kapag mas matangkad siya o kapantay niya ang mga life size figures lalo na kay Rizal.




















hi, manang! sobrang like…
more than 20 years ago pa ako huling pumasok sa loob ng ayala museum, hehe… andoon na rin noon yaong cavemen na may elepante, ahaha…
btw, ang lupet ng trip nyo ni aubu, according to height, hai!!!
hehehe. eh, meron po kaya talagang elepante noon sa wild ng Pinas? hehe. nako, muntik na ngang matigil yung trip na yan, bawal po palang magpicture doon, hindi namin alam. nahuli kami, buti na lang patapos na kami. hehe.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang