Litol Adbentyur 2

Ang adbentyur ko ngayong araw ay sa San Ildefonso, Bulacan.

Siyempre, joke na naman yung about 20 minutes na layo niya, pero keri na din ang higit isang oras na nakaupo sa jeep.

Perstaym kong makapunta sa San Ildefonso na namamasahe kaya bago pa rin siya para sa akin.

Dalawang eskwelahan ang napuntahan ko ngayong araw at in fairness ulit sa akin, 2 days straight na akong hindi naliligaw, yipee.

At etong manong nga pala na ito na drayber ng traysikel ay ininterbyu ako ng bonggang bongga tungkol sa trabaho ko at ano ang pinag-gagawa ko.

Peyborit kong tanong niya.

Manong: “Anong pinagttrabahuhan mo? Sa gobyerno ba?”

Ako: “Hindi po, NGO po ang pinagttrabahuhan ko, Non-Government Organization po.”

Manong: ” Ah, gobyerno ang nagpapasweldo sa’yo.”

Tinama ko naman siya after no’n.

At eto ang trabel esentyals ko kunyari.

Nokbuk

Print out ng Google map

Kaperahan

Bolpen

Panyo

At Aypad

Solb na ako kahit walang suklay o pulbo, parang hindi babae.

At tingnan mo nga naman, meron na namang bigay sa akin ang principal. Aliw lang. :)

Next?

Mga Puna

Inihanay sa Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Lakbay Nars

5 Responses to Litol Adbentyur 2

  1. sabi ko na nga ba, ikaw ang nawawalang kambal ni dora da explorer, hahaha

    • hindi din. si ate ching kaya. hahaha. :)

  2. Ispasol ba yun?…napatanong lang..gudlak sa next adventure.

    • pastillas po. :)

  3. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s