Lumabas na ako sa Bulacan for my adbentyur today.
Napadpad na ako sa lugar ng malalagung kapampangans.
Wala akong ideya kung paano pumunta sa Angeles City kaya umasa na naman ako sa Google map at sa kapal ng mukha na magtanong.
Akala ko may sakayan na ng jeep papuntang Angeles City sa SM Pampanga kasi doon kami sumakay nung pumunta kami ng Clark nila Aubu, pero wala pala. Buti na lang nagtanong ako at nakarating naman ako ng maluwalhati sa unang iskul na pupuntahan ko.

Tyadan! Angkukuyut ng mga bagets.

Bago pumunta sa susunod na iskul, tnreat ko muna ang sarili ko ng paborito ko of all time, cheeseburger meal — is love.

Hindi din naman ako naligaw papunta sa pangalawang iskul, tinuruan kasi ako ng direksyon doon sa pinanggalingan kong iskul. Interesting na wala talaga sa google map yung school na ito. Weird lang.
Nakakatawa lang din noong sumakay ako sa jeep, tinanong ko kung magkano hanggang sa pupuntahan ko, tapos may sinabi siyang hindi ko maintindihan, akala ko nabibingi na naman ako kaya pinaulit ko ulit sa kanya at hindi ko pa din na-gets. Sa ikatlong pagkakataon niyang inulit at nakatunganga pa din ako, napansin na ng katabi ko na hindi ko talaga ma-gets at akala niya umaatake lang ang kabingihan ko, inulit din niya yung sinabi ng manong drayber. At dahil katabi ko na siya, narinig ko ang sinabi niya pero hindi ko pa din naintindihan. Doon niya na-realize na hindi ko talaga maintindihan kaya tinagalog niya ako. Akalain mo, kinakapampangan na pala ako, hindi ko pa alam.
At napatunayan ko na hindi talaga ako masyadong bingi — hindi lang marunong magkapampangan. “Saan ka sumakay?” — yan ang tanong ni manong drayber.

Aba bababa ang bibo.
Aba bababa ang baka.
Aba bababa ang bibe.
Aba bababa ako!
–Ganyan pa’no tayo natutong magbasa. Kewl.
—
Pero sa pag-uwi ko ako nagka-aberya, naligaw ako ng bonggang bongga. Hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta, saan ako kakaliwa, kung saan ako galing at kung paano umuwi.
Sa pamamag-asa na makikita ko din ang dapat kong puntahan, naglakad lakad ako.
Akalain mong mahaba din ang nilakad ko. Pride ko kasi, ayaw pang magtanong.
Ng susuko na talaga ako, nakita ko din naman ang liwanag.


At bilang pampasaya ng sarili bumili ako ng gummi pizza at para mawala ang sakit ng ulo ko, bumili ako ng dalawang tetra ng choco drink kasi daw nakakawala ng sakit ng ulo ang chocolates.

Kahit na ginabi ako dahil sa kapalpakan at pagkaligaw.
Nakauwi naman ako ng maluwalhati at sinalubong ng nagtatalunang sila Chacha at Chichi.
Next?







re: little adbentyurs at carpenters.
dear manang,
sana hindi magbago yung enthusiasm mo para sa mga bagong little adbentyurs at yung soft spot sa puso ninyo ni aubz para gumawa ng mga bagay na sa tingin ng iba, napakaliit lang pero inspiring naman sa napakalawak na perspective ng mambabasang gaya ko.
saka sana, yung magiging bf mo will share the same passion or kung hindi man, at least man lang makaladkad mo siya sa wonderful journeys na ginagawa mong madalas. saka sana ulit, dumating pa sa’yo ang maraming blessings dahil alam ko na yung gaya mong tao ay mas may magagawa lalo kapag equip pa ng resources para tumulong.
saka sana, hindi ka magsawang mag blog. i know in your humility na sasabihin mong hindi naman ganun kaganda or ka impressive yung mga blogpost mong sine share but in your little ways, it instills hope na may mga taong hindi selfish at open lagi para baguhin ang perspektibo ng buhay a little step at a time.
medyo busy ako kaya hindi ako madalas makabisita so itinodo ko na ang comment ko.
keep safe manang!
dear duking,
kinilig ako na teary-eyed sa comment mong ito. para bang naramdaman ko na may silbi pa din ako kahit na minsan pagkagising ko sa umaga, nag-iisip ako kung may sense ba ang buhay ko at kung may pinatutunguhan ba talaga ako o isa lang akong malaking kalat sa mundong ito.
salamat talaga, hindi mo alam kung gaano mo pinasaya at kinumpleto ang araw ko.
hindi mawawala ang enthusiasm ko sa mga adventures, maliit man o malaki, dahil walang pera at materyal na bagay, busugin na lang ang buhay ng adventures.
hindi pa naman ako nagsasawang mag-blog kasi naiisip ko na balang araw, kakailanganin kong basahin ito para i-refresh ang memory ko kasi malilimutin ako, kaya eto na lang ang time capsule ko. minsan nga pag napagtripan ko na magback-read, natatawa na lang ako sa mga pinagsusulat ko at mga pinaggagawa ko. pano pa kaya kung after 10 years basahin ko ito, edi mas bongga.
mahaba na din ang comment ko, anyways maraming salamat sa pagbisi-bisita mo dito. salamat sa hindi pagsasawa. ikaw na lang ata maliban sa kamaganak at kaibigan ko ang nagttyaga sa blog ko at hindi ako iniwan simula ng una kang bumisita hanggang ngayon (yung iba kasi na-realize na nasasayang lang ang oras nila sa pagbisita sa blog ko, harhar.
)
salamat ulit ah. isa pa, maraming maraming maraming maraming salamat!!!
ingat din lagi, duking.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang