Litol Adbentyur 5

Napadpad ako sa isang resettlement area sa Norzagaray.

Ang layo ng lugar na ito sa amin at ang bagal-bagal pa ng jeep.

Sabi nga nila, walang kaskaserong jeep sa Angat. Kaso, medyo nakakainip eh.

Sa sobrang inip, napagtrip-an ko na lang kumain ng anik anik na baon ko. Kaya tumataba pa ako ng todo, may baon na ako, tapos pagdating ko pa sa eskwelahan ay pinapakain pa nila ako.

Aliw lang sa byahe na makakita ng mga nagbibilad ng palay sa kalsada. Talagang panahon na ng anihan. Nakakalungkot nga lang na along the way, umulan. At yung ibang nakabilad na palay ay hindi pa naililigpit.

Kalungkot kasi dati naranasan namin yan nung umaani pa kami ng palay, tapos naulanan at minsan pa nga umaagos na lang yung palay kasama ng tubig ulan, luluha ka na lang talaga.

Pagkapunta sa Norzagaray, nag-tricycle pa ako papunta sa resettlement area at sooooobrang layo pa pala ng pupuntahan ko. Along the way, may nadaanan pa ako na ni-landslide na area.

At dumaan din kami sa rough road na ang gilid ay bangin. Iskeri.

Pero matapos ang byahe, ligtas pa din naman akong nakapunta sa pupuntahan ko.

At may bonus pa na kakwentuhan na bagets na makulit at matunog na matunog na ate ang tawag sa akin.

Next?

Mga Puna

Inihanay sa Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Lakbay Nars

3 Responses to Litol Adbentyur 5

  1. ahaha! like ko ‘to… more than 10 years ago, nagawi na rin yata ako ryan. naku, ang hahaba ng stretch ng highway, parang road to forever, ahaha.

    ang sarap ng work mo, andami mong napupuntahan at marami kang nakakakulitang bata. adbentyur kung sa adbentyur, naman.

    ei, manang, may guest post ako sa blog ni superlolongpinoy. silip ka ro’n pag may time…. btw, di pa pansin ng wp ang request ko to subscribe sa dotcom and to reopen the dpsa, e. ba’t kaya di sila kind sa ‘ken? :c

    • wala pa din po pala ang doon po sa amin. nako, yaan mo, babalik din yan o kaya mag dotcom na!!! hehehe. sisilip ako sa superlolongpinoy, ngayon lang kasi ako nagka-time. :)

  2. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s