Ito ang perstaym ko na hindi nag-rely sa google map sa pupuntahan ko.
Kasi kahit anong hanap ko, hindi ko talaga makita ang kelangan kong puntahan. Akala ko pa naman, hindi ako bibiguin ng google map.
Umasa na lang ako sa pagtatanong sa mga drayber para sa pupuntahan ko at bawal syempre maidlip. Hindi din ako nakinig ng music. Alerto talaga ako, kasi baka bonggang bonggang maligaw ako.
Ibinaba ako ni manong drayber sa may palengke ng San Fernando at itinuro niya sa akin kung anong sign ng jeep na sasakyan at syempre pa, magtanong din sa drayber para hindi maligaw.



akalain mong may kalesa pa pala sa San Fernando? Kewl.


Dahil sa soooobrang init, sumakit ang ulo ko at dahil doon ay kumain ako ng madaming chocolate kasi daw nakakawala daw yun ng sakit ng ulo. Hindi naman nawala sakit ng ulo ko, naligayahan lang ako at nadagdagan na naman ang bilbil kong layer layer na.



In all fairness, hindi ako naligaw at nakarating naman sa aking destinasyon. Kapalan lang talaga minsan ng mukha sa pagtatanong at pangungulit sa mga drayber.



Siya si Ma’am Principal. Hindi ko alam kung pwede kong i-post ang picture niya sa blog ko. Hindi kasi ako nakapagpaalam. Pero sana okay lang sa kanya. Anyways, sobrang saya ko sa pag-uusap namin.

Yung normal na isang oras ko na nakikipag-usap sa principal, sa kanya umabot ng tatlong oras.
Ang dami niyang kinuwento, ang dami kong natutunan.
Sabi ko nga, parang Tuesdays with Morrie ang dating.
Ilan sa mga hindi ko makakalimutang mga paniniwala niya ay — “Huwag dapat pwersahin ang bata na maging matalino. Gawin mo ang lahat para sila matuto pero kung hanggang doon lang talaga sila, hayaan mo. Hanapin mo ang skills o talent na meron sila at pagyamanin mo. Hindi man katalinuhan, meron naman silang kakayanan na maaaring ikaunlad nila. Kung sinong magaling kumanta, sumayaw, mag-drawing, umarte o magaling sa sports, i-encourage mo sila. Maaaring doon pa sila umunlad.”
Kumbaga, tama naman siya, dapat talaga holistic ang approach ng pagde-develop ng bata. Hindi lang basta maging perfect sila sa exam, magaling mag-recite o henyo sa Math.
Sabi pa niya: “Kanya-kanya tayo ng skills. Kung lahat tayo ay nasa opisina at wala ng nagsasaka, hindi tayo makakakain.”
Eto naman ang payo niya sa akin: “Ang promotion sa trabaho, dadating din yan. Isipin mo na lang, ang mga nasa matataas na posisyon, tatanda din yan, magre-retire din sila; mapapagod din ang mga iyan. Kaya wag mong i-stress ang sarili mo na umangat kaga’d. Dadating din sa iyo yan. Basta galingan mo kung anong trabaho ang meron ka ngayon. Balang araw mapapansin din ang mga ginagawa mong maganda. Enjoy the journey. Yung iba masyadong focused sa destination, hindi na nila na-enjoy ang paglalakbay papunta doon. Have fun. Promoted ka na nga, stress free ka pa.”
Madaming madaming madami pa siyang kinuwento at pinayo. Sana madami pa akong ganito, mga kwentuhan na madaming matututunan.
Ang sabi ko nga sa sarili ko, kung yung iba pinapauwian ako ng biskwit, prutas at maliliit na regalo — iba ang ipinauwi niya sa akin, inspiration at madaming madaming learnings.
Kudos kay, Ma’am.
Next?







hey, manang… ang gaganda ng pics mo ng lugar dito, as in… nakuha mo ang pulso noong kabihasnan nila, hehe…
maganda rin ang kwentong payo mo. hmmn… hindi lang ang mga bata ang ini-educate nyo sa mga libro, pati ikaw may natutunan. parang lifelong learning na usapan ‘to, ahaha…
ingat ka sa iyong mga lakad…
hehe. salamat ng madami.
Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang