Litol Adbentyur 9

Nag-iisa ito na eskwelahan na pinuntahan ko sa Cabiao, Nueva Ecija. Kung ang daan ko papuntang Aliaga ay dadaan ng San Ildefonso at San Miguel, Bulacan. Ang dinaanan ko naman dito ay mula San Fernando tapos Arayat, tapos Cabiao na.

Sa totoo lang, unang beses kong narinig ang lugar na ito. At wala din akong idea kung paano pumunta dito kasi hindi detailed ang map sa Google Maps. Talagang umasa na lang ako sa sinabi ng tatay ko at ng principal na pinuntahan ko.

Syempre pa, dahil bagong lugar, naligaw pa din ako. Sa kainitan pa ng araw.

Sa mga pinuntahan ko, karamihan, hindi mawawala ang view ng Mt. Arayat. Pero this time, ang lapit lapit na niya sa akin. Kung meron lang talaga akong kasama, siguro pumunta na ako doon. :)

Pagpunta ko sa Cabiao ay madami pa ding kabukiran. Ang ganda lang ng kabukiran dahil may tubig siya nakukuha niya ang repleksyon ng kalangitan. Langit sa Lupa. Sayang hindi kayang kunin ng camera ng cellphone ko ang kagandahan noon.

Malayo sa kabihasnan ang eskwelahan na pinuntahan ko. Yung tricycle nga na sinakyan ko, hindi alam kung magkano ang sisingilin sa akin dahil perstaym niyang makapunta doon, akalain mo. Ilang beses ko din sinabi sa kanya na hindi ko alam dahil perstaym ko rin lang. Ng sinabi ko, sige sampung piso na lang? Dali dali na siyang nagbigay ng presyo dahil luging lugi siya, ang layo-layo kasi ng nilakbay niya.

At matapos ang aking misyon sa eskwelahan na iyon, kelangan din naman minsan minsan na i-treat ang sarili. Ang aking pampasayang frozen yogurt. Hay sana may ganito na lang kami sa bahay. :)

Mga Puna

Inihanay sa Ipagmalaki - Pilipinas kong Mahal, Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nars, Lakbay Nars

3 Responses to Litol Adbentyur 9

  1. Pingback: 2011 | Dumpsite ni Narsmanang

  2. doon po sa amin

    hello, manang…

    ang gaganda pa rin ng pics ng tanawin. am sure, mas awesome ‘yong totoo – up close and personal.

    hehe… may treat pagkatapos, owki yon. :}

    • ahehehe. thanks po. :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s