Tuloy-tuloy ang pag-alis ng bansa ng mga kakilala, kaibigan at kapamilya.
Sabi ko nga, ang mga kabataan talaga ngayon, hindi na mapalagay. Gustong kung saan-saan pumunta. Hehe.
Pero sabi nga nila, habang bata, subukan na ang lahat ng pwedeng subukan. Baka hindi ka na magkaroon ng pagkakataon pagtanda mo.
“Mas pagsisisihan mo ang mga bagay na hindi mo ginawa kaysa sa mga ginawa mo.”
Sa pagkakataong ito, si Ate Joyce naman, ang isa sa mga pinakamalapit kong pinsan, ang aalis at makikipagsapalaran sa disyerto.




Wala pang isang buwan, bumalik na naman ako sa airport para maghatid ng aalis ng bansa. At kasama din sa mga naghatid ang mga iilang natira sa Pinas.




Nagkaiyakan di sa paalaman, pero lahat halos pigil ang luha. Mahina kasi talaga ang loob ng pinsan ko. Hindi nga siya nakatulog buong magdamag, hindi din nakakain. Tapos nung nasa airport na kami, nanginginig na talaga siya. Ayaw lang namin na magngangawa siya, kaya hindi na din kami umiyak ng bonggang bongga.

Bye, Ate Joyce. See you (sana sa trabaho.
)










hala, panay nga ang alisan… :c hamo, magkaka-chance naman syang paigihin ang kanilang buhay baga…
ba’t gano’n, parang malulusog ang mga miyembro ng inyong lahi, ahaha. kumusta u, manang? ala, di ka sumisilip sa isa ko pang site, naman. antay kita ro’n.
malusog talaga kami, since time immemorial. ganun talaga, kung paanong ang ibang lahi ay puro payat, o puro mapuputi, kami matataba. nakadalaw na po ako sa site niyo, hindi pa lang ako nakakapagcomment. welcome back.
babay ate joyce!dalawin nyo ako pag magkasama na kayo ha ^^
san tol, sana.
Mahirap talaga ang paalis ng bansang iyong nakagisnan, bilang isang OFW ramdam ko ang feeling ng pinsan mo. Tignan mo mga mata niya may halong lungkot, excitment at kaba. Sana masuwerte siya sa pakikipagsapalaran sa diryerto, saan siya papunta sa UAE? Qatar?
oo nga po eh. uhm, sa kuwait po.