Aubu Date

Nag-aayos ako ng mga pictures sa cellphone ko ng mapansin ko na may mga pictures pala si Aubu ng mga naging date namin kaya naisipan ko na i-post para makita niya. Aubu, miss na kita. Hindi ko alam kung sino ang kakaladkarin ko eh zombie life si Gelat, busy si Rhea, nanay na si Mingming, hindi kami pareho ng trip ni Virax, nasa Pampanga si Hawie at si AJ magpapalibre lang yun, haha.

Sana matuloy yung puro drawing na plano namin ng mga pinsan ko na mag-educational field trip kami around Manila at mag-foodtrip na din. Ang mga ginagawa namin ni Aubu nung nasa Pinas pa siya.

Tol, wala na akong ka-date, hehe.

October 26, 2011

Mang Larry’s Isawan Date – UP Diliman, QC

Bibili kami ng sangkatutak na inihaw na anik anik na nakaka-cancer daw, at ng shake, lalakad sa malapit na soccer field, at doon tatambay at magpapakabusog sa mga tuhog tuhog made in heaven, hehe.

Rodic’s Date – UP Diliman, QC

Ang dating araw-araw na pagkain ni Aubu nung nakatira pa siya sa may UP. Ang isa sa mga comfort food ko. Tapsilog is love.

November 04, 2011

Sbarro Date – Trinoma, QC

Matipid kami kapag sa Sbarro, share share sa pizza at pasta tapos tubig lang ang inumin.

White Hat Date – Trinoma, QC

Isa pa sa mga comfort food ko. [Ang dami kong comfort food, haha]

November 26, 2011

Crazy Crepes Date – Trinoma, QC

Libre sa akin ni Aubu! Yipee. :)

December 15, 2011

Lego Exhibit Date – SM The Block, QC

O, ayan hindi kainan. :)

BTIC (Better Than Ice Cream) Date – SM North Edsa, QC

Meron kaming magandang magandang kwento tungkol dito na may kinalaman sa favorite naming pagkwentuhan na tao. :)

December 16, 2011

Parlor Date – Bulacan

At syempre, hindi makukumpleto ang girl bonding kapag hindi naranasan na magpa-parlor magkasama.

Igan D’Bayan Exhibit Date – Megamall

Natuwa ako ng makita ko ito. Astig.

Mga Puna

Inihanay sa Alaalang Kupas, Kwentong Kaibigan, Lamang Tiyan

3 Responses to Aubu Date

  1. doon po sa amin

    hello, manang… musta na u? ahaha, close pala talaga kayo ni aubu girl. hamo, magpapayaman muna ang ale, magna-nar, ahaha.^^

    at gala ka pala sa UP grounds, kainaman. happy weekend sa ‘yow! :)

  2. huwaaaahhhh, nakakamiss ang mga biglaang gala,namimiss na din kita ng bongga :( ay alam mo ba napaiyak ako ni kuya benjie, bully nga siya tol, wahaha

    • bakit ka napaiyak? ano sinabi niya? hala.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s