Hindi kami mayaman, pero kung ikukumpara ang buhay namin ngayon kesa dati, mas medyo nakakaangat na kami. Imagine, wala akong crib noong bata ako, inilalagay lang daw ako sa kartong kahon ng tatay ko, oha.
Naalala ko din na nagkaroon din naman ako ng orig na Barbie, pero isa lang. Ang madalas kong nilalaro ay mga paper dolls na libre sa chichiria. Buong childhood ko, pangarap kong magkaroon ng polly pocket at doll house. Pero noong nakaluwang-luwang na kami na kaya ng bumili nila tatay ng mga ganoong laruan, magt-thirteen years old na ako. Hindi na bagay, sabi nila.
Pati ang mga kapatid ko, ganoon din. Madaming mga laruan na pinangarap lang nila. Mga hindi nakuha noong kabataan nila.
Anyways, si Wewel noong nakaraang Holiday ay nagkaroon ng sideline at kumita naman siya at ang binili niya sa kinita niya….
Tyaraaann….
Remote Controlled Helicopter.



wagas ang kaligayahan
At dahil regalo niya ito sa sarili, pinabalot pa niya ito (sorry sa naka-pout na nag-gift wrap at sa trees na kinailangan para sa trip ng kapatid ko).

At sinulatan pa niya ng pangalan niya. Bata talaga.

Sinamahan pa namin siya ng mga pinsan ko sa pamimili niya. Bongga, suportado namin siya. Pero ng humirit siya ng remote controlled car, hindi na kami pumayag, masyado ng abuso.


Sa ngayon, ine-enjoy naman ng kapatid ko ng pagpapalipad ng helicopter, at ako sinubukan ko, hindi ko naman natutunang paganahin. Boplogs talaga ako sa mga ganoong bagay eh.
Happy for Wewel.







hello, manang,
na-gets ko ata ‘to. ako rin, more than 20 na ng mabilihan ng stuff toys, haha. ganoon nga, kid at heart.
:)
regards!