Dahil tambay lang naman ako sa buhay, nagiging stage ate tuloy ako sa kapatid kong bunso na si Wewel.
Noong nakaraan, ni-review namin ang mga capital ng mga bansa sa Asia at perfect naman si bunso.
At ngayon naman, ang re-review-hin niya ay ang mga flags ng mga bansa sa Asia.
Aba, syempre panindigan ang pagiging stage ate, iginawa ko pa ng reviewer si Wewel.
Bongga.


At syempre, eto na si bunso ready na sa pagpasok sa big school, haha. Complete with books and uniform.
Sobrang proud ate ako kasi never kong nakita kapatid ko na pumasok na may dalang libro at nagre-review sa bahay bago pumasok. Hehe.

Ilang buwan na lang, magtatapos na si bunso. Congrats, Wewel.







ahaha! ikaw na ang stage ate.
nakanaks, haha, answerte naman ni wewel sa kanyang stage ate!