Category Archives: Kaarawan, Pagbati at Iba pa

HBD, Mike!


Para sa isa sa pinakamabuti kong kaibigan na lalaki.

Para sa mayabang na pa-humble kong kaibigan.

Para sa multi talented na tao na kilala ko.

Para sa official photographer ng batch.

Sa techie, creative at artistic na tao.

Para sa iyo, pare

Happy Birthday!

Miss na kita tol.

Yung isaw ko. :)

[picture from Mike's FB page]

Mag-iwan ng puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa

Dear, Aubu


Dahil nag-suggest ka na ikaw ang sulatan ko — eto na :) :

Dear Aubu,

Ikaw ang isa sa tinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan na hindi ko kamag-anak. Ikaw ang isa sa pinakamabait na tao na kilala ko. At kahit na matagal na tayong magkakilala at nagkasama sa iisang bahay at trabaho, ikaw pa din ang pinakamisteryosong taong kilala ko.

Naalala mo ba nung nagalit ako sa’yo dahil hindi mo ako ginising? Ang petty petty nu’n no? Pero atleast hindi mo ako pinatulan. Makikita doon pa lang sa insidenteng yun kung ga’no ka ka-patient at ga’no kahaba ang pasensya mo.

Siguro nga nahubog ng karanasan mo kay Hitler kung sino ka ngayon, pero mahal na mahal at gustong gusto ko ang Aubrey na iyan.

Gusto ko na napanatili mo pa din ang pagiging misteryoso mo.

Gusto ko na kahit na matanda ka pa din mahilig ka pa din sa anime.

Gusto ko na mataba ang utak mo at ang sarap mong sabihan ng problema dahil nakikinig ka lang at hindi ka mahilig magbigay ng unsolicited advices o kaya ay naninisi o nanghuhusga.

Gusto ko na madami akong natututunan sa iyo.

Gusto ko na sa madaming pagkakataon ay ikaw ang kasama ko sa mga lakad ko.

Gusto ko na matyaga ka sa akin kahit na alam kong imposible ang ugali ko.

Gusto ko na ikaw lang ang nagrereply sa akin kapag nagte-text ako. [actually, ikaw lang ang katext ko. :)]

Gusto ko na sinasakyan mo ang trip ko at kaya ko ding sakyan ang trip mo.

Gusto ko na mahal mo ang kapatid ko at balang araw ay magiging magkapatid na talaga tayo.

At higit sa lahat gusto ko at tunay na hinahangaan ang pagiging matapang mo at ang pagiging hindi mo drama queen. Sabi mo nga kung iiyakan mo pa ang lahat ng problema, pa’no ka na. Thumbs up para sayo tol.

Madaming madami pa akong gusto sa’yo.

Madaming madami pa.

Pero sa dinami dami ng sinabi ko, gusto ko lang namang sabihing SALAMAT!

Salamat sa lahat lahat. Hindi ko na kayang sabihin lahat iyon dahil napakadami ko ng dapat ipagpasalamat sa iyo.

Basta maraming salamat, tol.

At pasensya na.

Pasensya na kung madalas may topak ako.

Pero alam kong sa kabila ng lahat mahal mo pa din ako.

At mahal na mahal kita tol.

Salamat sa pagiging kaibigan, dating kaklase, dating kasama sa bahay, dating katrabaho, hipag, kapamilya at higit sa lahat isang kapatid na babae na hindi ako nagkaroon.

Salamat!

PS: Happy Birthday nga pala. Hehehe. Ang tanda mo na, pakasal ka na rin. Bwahahaha. :)

Isa pang PS: Kelangang kasama ako sa entourage ah at kasama ako sa pagpplano ng kasal. Hulaan ko kung anong motif ng kasal mo. Hahaha. :)

Labsyu tol. :)

Mga Puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa, Kwentong Kaibigan, Sulat para Sa'yo, Uncategorized

HBD, Kuya Ake!


Para sa biggest loser ng aming pamilya.

Sa isang maaalalahanin na kapatid.

Mabuting anak.

Mapagmahal na boypren. [Uyyyyy, Aubu!]

Mapagkalingang amo ng mga alaga niyang aso.

Sa matyaga, maparaan at masiyahing tao na kilala ko.

Happy, Happy, Happy Birthday, KUYA!

Kahit na nag-aaway pa din tayo [kahit sa Skype na lang] dahil parehong mainitin ang ulo natin, alam ko na labs mo pa din ako. At labs din naman kita. :)

Muah.

Mga Puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa

HBD, Tay!


Para sa poging pogi kong tatay.

Sa isang mabait at maarugang ama.

Sa tatay na laging nakasuporta kahit na palpak ako.

Sa number 1 na lalaki sa buhay ko.

Sa isang mapagmahal na asawa.

Mapagkalingang ama.

Masiyahing lolo.

Happy Birthday, Tay!

Maraming maraming maraming salamat po. :)

Mga Puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa

HBD, Ina!


Para sa pinakamamahal kong lola.

Isang maalalahanin na lola.

Mapagmahal na ina.

Makulit at masiyahin.

Mahilig sa BINGO at syetehan.

Palakaibigan at ubod ng bait.

Sa magki-kiddie party sa Jollibee na ang theme ay Barbie. Yeah, Lola! Let’s get it on!!!

Happy 81st Birthday!

Mahal na mahal na mahal na mahal namin kayo!

Tsup. :)

Mga Puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa