Category Archives: Kwentong Pampamilya

Nanay


Kagabi, habang nagmumuni-muni, naisip ko lahat ng sakripisyo ni nanay para sa akin.

Kinuwento ko kay Kuya Benjie.

Yung pagsama niya sa akin sa pag-aaply sa college, entrance exam, enrollment at pagkuha ng kwarto sa dormitoryo.

Sa lahat ng lakaran na yun, namamasahe lang kami.

Kapag natitisod siya, natatawa na lang siya, sinasabi ang tanga daw niya.

Hirap na hirap pa siya nun umakyat sa mga hagdan kasi nagkaproblema ang tuhod niya, pero keri lang sasama pa din sya.

Tapos nung nagaaral na ako, kapag babalik ako ng dormitoryo, hinahatid niya ako. Namamasahe lang kami, tinutulungan niya akong magbitbit ng mabigat kong bag ng damitan.

Mamamasahe siya pabalik ng Bulacan.

Ilang taon din na ganun kasi nagttrabaho na ako ng magkaroon kami ng matinong sasakyan.

Minsan naliligaw pa daw siya, maglalakad siya ng pagkahaba-haba.

Matapos ikwento ko ang mga iyon, humirit ang hipag ko na: “Tapos ang tigas pa ng ulo niyo.”

Napaisip ako, tapos naiyak na lang ako.

Sobra sobra ang pagmamahal ang sakripisyo ni nanay sa amin, pero hindi ko pala natumbasan yun.

Naalala ko nung nagpapa-chemo siya, kapag maingay siya kasi nasusuka at nauubo siya, siya pa ang nagso-sorry at nahihiya sa amin.

Napakabait ng nanay ko.

Sana matumbasan ko balang araw ang kabaitan niya sa akin.

Sana balang araw makaganti ako sa mga sakripisyo at pagmamahal niya.

Matagal ko ng sinusubukan, pero pakiramdam ko kulang pa din dahil sa abot hanggang langit na mga sakripisyo niya para sa mga anak niya.

Hay, siguro namimiss ko lang si Nanay.

breast-cancer-ribbon1

Mga Puna

Filed under Kwentong Pampamilya


Dahil wala akong ma-post at wala din namang nangyayari sa buhay ko sa ngayon, eto na lang munang mga random ek-ek ang ilalagay ko sa aking dumpsite.

Bale, kapag tinopak ang kapatid ko o kaya naman napilit ko siya, nagpupunta kami sa kung saan saan na malapit lang sa bahay namin para humanap ng makakain o kaya naman ng mabibili.

Katulad ng isang random na gabi na naisipan naming bumili ng boxers niya at kumain ng icecream.

Mag-iwan ng puna

Filed under Araw-araw na Buhay, Kwentong Pampamilya


Welcome to the world, Darren Tobey Jacob-Santos!

Sana makita ka sa personal ni Tita soon. :)

Mga Puna

Filed under Kwentong Pampamilya

School Boy


Dahil tambay lang naman ako sa buhay, nagiging stage ate tuloy ako sa kapatid kong bunso na si Wewel.

Noong nakaraan, ni-review namin ang mga capital ng mga bansa sa Asia at perfect naman si bunso.

At ngayon naman, ang re-review-hin niya ay ang mga  flags ng mga bansa sa Asia.

Aba, syempre panindigan ang pagiging stage ate, iginawa ko pa ng reviewer si Wewel. :)

Bongga.

At syempre, eto na si bunso ready na sa pagpasok sa big school, haha. Complete with books and uniform.

Sobrang proud ate ako kasi never kong nakita kapatid ko na pumasok na may dalang libro at nagre-review sa bahay bago pumasok. Hehe.

Ilang buwan na lang, magtatapos na si bunso. Congrats, Wewel. :)

Mga Puna

Filed under Kwentong Pampamilya

Kid at Heart


Hindi kami mayaman, pero kung ikukumpara ang buhay namin ngayon kesa dati, mas medyo nakakaangat na kami. Imagine, wala akong crib noong bata ako, inilalagay lang daw ako sa kartong kahon ng tatay ko, oha.

Naalala ko din na nagkaroon din naman ako ng orig na Barbie, pero isa lang. Ang madalas kong nilalaro ay mga paper dolls na libre sa chichiria. Buong childhood ko, pangarap kong magkaroon ng polly pocket at doll house. Pero noong nakaluwang-luwang na kami na kaya ng bumili nila tatay ng mga ganoong laruan, magt-thirteen years old na ako. Hindi na bagay, sabi nila.

Pati ang mga kapatid ko, ganoon din. Madaming mga laruan na pinangarap lang nila. Mga hindi nakuha noong kabataan nila.

Anyways, si Wewel noong nakaraang Holiday ay nagkaroon ng sideline at kumita naman siya at ang binili niya sa kinita niya….

Tyaraaann….

Remote Controlled Helicopter.

wagas ang kaligayahan :)

At dahil regalo niya ito sa sarili, pinabalot pa niya ito (sorry sa naka-pout na nag-gift wrap at sa trees na kinailangan para sa trip ng kapatid ko).

At sinulatan pa niya ng pangalan niya. Bata talaga.

Sinamahan pa namin siya ng mga pinsan ko sa pamimili niya. Bongga, suportado namin siya. Pero ng humirit siya ng remote controlled car, hindi na kami pumayag, masyado ng abuso.

Sa ngayon, ine-enjoy naman ng kapatid ko ng pagpapalipad ng helicopter, at ako sinubukan ko, hindi ko naman natutunang paganahin. Boplogs talaga ako sa mga ganoong bagay eh. :)

Happy for Wewel. :-D

1 Puna

Filed under Araw-araw na Buhay, Kaadikan at its finest, Kwentong Pampamilya

Bye, Ate Joyce


Tuloy-tuloy ang pag-alis ng bansa ng mga kakilala, kaibigan at kapamilya.

Sabi ko nga, ang mga kabataan talaga ngayon, hindi na mapalagay. Gustong kung saan-saan pumunta. Hehe.

Pero sabi nga nila, habang bata, subukan na ang lahat ng pwedeng subukan. Baka hindi ka na magkaroon ng pagkakataon pagtanda mo.

“Mas pagsisisihan mo ang mga bagay na hindi mo ginawa kaysa sa mga ginawa mo.”

Sa pagkakataong ito, si Ate Joyce naman, ang isa sa mga pinakamalapit kong pinsan, ang aalis at makikipagsapalaran sa disyerto.

Wala pang isang buwan, bumalik na naman ako sa airport para maghatid ng aalis ng bansa. At kasama din sa mga naghatid ang mga iilang natira sa Pinas.

Nagkaiyakan di sa paalaman, pero lahat halos pigil ang luha. Mahina kasi talaga ang loob ng pinsan ko. Hindi nga siya nakatulog buong magdamag, hindi din nakakain. Tapos nung nasa airport na kami, nanginginig na talaga siya. Ayaw lang namin na magngangawa siya, kaya hindi na din kami umiyak ng bonggang bongga.

Bye, Ate Joyce. See you (sana sa trabaho. :))

Mga Puna

Filed under Kwentong Pampamilya

HNY


Ganito namin pinagdiwang ang aming mumunting new year.

Medyo malungkot lang ngayong taon dahil wala ang mga bagets at puro pa-bagets lang ang natira sa amin para kahit paano ay sama-samang salubungin ang bagong taon.

Sabi nga ng pinsan ko, kami daw ay pamilyang tumatanda na imbes na dumami, lalong kumokonti. Tsk.

Medyo nanghiram din kami ng bagets sa kapitbahay para may young blood pa din sa paligid.

At syempre, ang importante pa din ay sama-sama kaming magpapamilya na natira dito sa Pinas sa pagdiriwang ng New Year.

Ang sabi nila, bawal daw maghanda ng manok sa bagong taon dahil magiging isang kahig, isang tuka daw ang lifestyle mo buong taon — keber.

At dahil ngayong taon lang kami walang parlor games after 5 years, naisipan na lang naming mag picture picture para mapalipas lang namin ang gabi ng kahit papaano ay masaya pa din.

At syempre, bago matulog picture-picture din kasama ang aking bunsong kapatid.

Belated Happy New Year na lang. :)

Mga Puna

Filed under Kwentong Pampamilya, Lamang Tiyan, Letrato at Iba Pa