Category Archives: Kwentong Pampamilya

Iskan Peys


 

scan0007

scan0006

Ano ang nangyayari kay Wewel?

a. Nalulunod

b. Najejebs

c. Nagtrip at ini-scan ang sariling mukha

d. All of the above

Kunyari magaling akong gumawa ng multiple choice question at hindi obvious ang sagot. ung normal kang estudyante, ang isasagot mo, all of the above. Eeennnggg… kung ang sagot mo ay ang normal na sagot na letter d, mali ka.

Pagkauwi ko sa aming bahay, tumambad sa aking harapan ang wallpaper ng aming desktop. Tao ba ito?  -Oo. Adik ba ito. -Pwede. Tripper ba ito. -Malamang. Sino ba namang normal na tao ang ii-scan ang mukha (maliban kay Mr. Bean *sabagay, hindi normal si Mr. Bean*)?

Ano kaya ang nasa isip ng kapatid ko habang ginagawa niya ito?

“Mai-scan nga ang mukha ko para makita ko kung gwapo talaga ako.”

“Matry nga ang scanner namin kung macocopy niya ang facial features ko.”

“Gumawa nga ng wirdo ngayong araw nito tulad ng pagdikit ng mukha ko sa salamin at kumuha ng souvenir.”

Kung ano man ang nasa isip ni Wewel, nasa isip na lang niya yun at hindi ko na matatarok. Pero ng makita ko ito, tawa ako ng tawa at nasabi sa sarili na “Magaya nga.” hehe.. :D

 

**Habang nag-tatype ako, katabi ko si wewel at sumasayaw sa kanta ni Vhong Navarro sa pelikula nila ni Toni Gonzaga na peyborit ni Kuya Ake. Paparapapapap, sabi ng puso ko**

Mga Puna

Inihanay sa Kwentong Pampamilya

HABER22DAY on the 22nd AUBU!


LOVETEAM of the YEAR
sobrang che

sobrang che

esy talaga

esy talaga

HABER22DAY on the 22nd AUBU!
with chacha at NOOng may matabang utak

with chacha at NOOng may matabang utak

 

Sa aking kaibigan, katropa, ka-kingkongbarbie, kapwa nurse, kacompany, kadepartment at kadivision sa work,  kasama sa bahay, nobya ng nakakatanda kong kapatid, ka-galaan at kapatid sa kaluluwa (soul sister, hehe) — Maligayang bati sa iyong pagsilang. Magpapansit ka naman. :P

Isang matalinong bata, isang mabait na anak sa kanyang ina, isang mapagtimping anak sa kanyang ama, isang mapagmahal, mapagbigay at maunawaing kapatid sa kanyang mga ate at kuya, isang magaling makisamang kaibigan at katropa, isang tunay na ka-kingkong barbie, isang huwaran at matalinong estudyante noon, isang mapagmahal at kewl na bro ni kuya, isang matiyagang tao at nagiisang aubu (eccentric kasi sya :D).
 
 
Kwento: Humingi ako ng favor kay aubu na pumunta sa banko para ipafreeze ang ATM ko dahil kasama ito sa wallet na nanakaw sa akin. Ng pumunta siya doon sa banko, ang tanong ng lalaking empleyado: “Sigurado ka? Mukha kang 14 years old”
 
Kwento ulit: Sinama siya ng kuya ko sa lola ko. May kasamang matandang babaeng kaibigan si lola:
Kaibigan ni Lola(KNL): “Ilang taon ka na iha?”
Aubu: “21 po”.
KNL: “Ah, akala ko 14 ka pa lang eh”.
Aubu: “Haha”. (smile na nahihiya)
Sakto, merong palabas ngayon sa TV na Katorse, siguro dapat ikaw bida doon. :D
Tumanda man ng isang taon ang iyong edad at katawan, dumami man ang madami mo ng puting buhok at nadagdagan na naman ang karanasan mo sa buhay mo pero ang iyong puso, ugali, hilig at pagkatao ay hindi. (in short childish ka pa din, haha). Salamat sa madaming role mo sa aking buhay at maraming thank you na binigyan mo ako ng bahagi sa buhay mo.  (keso na ito!)  Isama mo ako sa mga plano at pangarap mo ah. hehe.
 
 
 
Wish: Hiling ko para sa iyo ay malusog na pangangatawan, mas matabang utak, matibok na puso (palpitation?hehe), madaming totoong kaibigan, malawak at mapagturong karanasan, madaming paglalakbay, ngiti at halakhak, maligayang buhay, maliwanag na kinabukasan at limpak limpak na salapi. :D

At dahil binati kita sa aking blog, dapat magpakain ka. :D

 

PAKAIN KA NAMAN!

kainan na!
kainan na!

narsmanang

Mga Puna

Inihanay sa Kaarawan, Pagbati at Iba pa, Kwentong Pampamilya, Mga Kwento ng Aking Buhay

Little Yesha wants to play


Kapag may okasyon sa amin tulad ng birthday, piyesta, pasko at kung anu-ano pa na may handaan, panahon din ito ng reunion ng relatives sa side ng tatay ko. Nung nakaraang August 16, pinagsabay ang celebration ng birthday ng tatay at lola ko. Umuwi ang pinsan kong si Ate Lanie kasama ang kanyang 3 anak. Isa sa mga cute kids ni Ate Lanie si Yesha, ang 2 years old na malusog at magandang pamangkin ko. Nung una, ayaw niyang ngumiti at ayaw na tumingin sa amin, nahihiya pa, pero ng nagsimula na kaming magpicture at nakikita niya ang sarili niya sa camera, tuwang tuwa na siya at pose na ng pose. Kahit anung ipagawa namin, go lang siya. Parang tunay na model, hehehe… Pag tinanong ko, sino yung nasa picture sagot niya :”yeta”. Look at her. Charming and cute. :)

DSC_0247

DSC_0460

DSC_0465

DSC_0483

DSC_0499

DSC_0299

 

DSC_0322

DSC_0475

DSC_0488

DSC_0333

DSC_0357

DSC_0361

narsmanang

Mga Puna

Inihanay sa Kwentong Pampamilya

Haberday Itay!


Maligayang Kaarawan Itay!
tatay
tatay

Sa mabait, responsable, disciplinarian, gwapo, mapagmahal, makulit, adik sa arcade (esp. indiana jones), mahilig magpasalubong, masipag, mahilig magjoke, madaming alam sa history at currenct events, mahilig magbasa ng dyaryo tuwing sunday ng umaga, mahilig manuod ng balita, basketball at eatbulaga, mahilig maglaro ng oldskul games (family computer games), errand boy ng nanay ko, pasimuno ng galaan, magaling na cook, magaling sa direksyon, alam ang shortcut sa bawat lugar sa maynila, may facebook account, may maraming tanim na puno at bulaklak, mahilig bumili ng mga bagay-bagay, madaming tshirt, maraming opinsyon sa bagay-bagay, minsan tahimik-minsan madaldal, mahilig makinig ng radyo, naniniwala kay natural, uminom ng sierra madre, nakagiliwan si maria del barrio, maria mercedez at rosalinda (thalia), non-smoker, social drinker, tagapakinig ni ka totoy, sanmiguel at feu basketball team fan, may topsider na halos kasing edad ko (2 dekada) na hanggang ngayon ay nagagamit pa rin, matampuhin, sensitive, kalaban ko sa top score ng big money game sa PC dati, nakasama naming manuod ng parokya ni edgar concert, hinahatid ako at pinagddrive tuwing ako ay papuntang maynila (dati para pumasok sa eskwelahan, ngayon para sa trabaho) at madami pang iba kong TATAY.

Maraming salamat po sa lahat-lahat.

Mahal na mahal ko po kayo tatay.

Muah. Tsup. :P 

narsmanang

1 Puna

Inihanay sa Kwentong Pampamilya, Mga Kwento ng Aking Buhay