Pag usapan natin ang trabaho.
Nasa early to mid 30s na ako. Madami dami na ding experience sa trabaho at buhay. Madami daming palpak, madami daming pangarap na natupad at di natupad, mga mithiin na naabot at di naabot.
Pero ngayong mas matanda na ako, na nakikipagsapalaran at nakikipagsiksikan sa ibang bansa, narealise ko na ang trabaho ay source of income lang sa mas nakakarami kesa sa fulfillment ng passion or dreams.
There’s life outside work. At yun ang napatunayan ko.
Naaalala ko nung nagwowork ako sa call center, after 6 months lang ata gusto ko na magresign, tapos nung 1 year na ako dun decided na ako na magreresign ako kasi sabi ko walang fulfillment yung work ko.
That’s the 20-year old me. Wide-eyed, naive girl fresh from college.
Ilan nga ba sa buong mundo na nakaland ng dream job nila? Nakapagsabi na I found a job that doesnt feel like a job because I am doing what I love.
Pwede na minahal mo na lang eventually yung job mo, pero baka nasa upper 5% to 10% (generous pa ako nyan) ang makakapagsabi na nakamit nila ang dream job nila.
Pero wag natin isali mga vloggers dito ha, medyo ibang dimensyon na sila. Hehe. (Til now naiinggit ako sa mga kinikita nila. Haha).
Kapag naiisip ko ngayon na more of source of income ang work kesa place to fulfill my dreams or passion, naalala ko yung pep talk nung shift manager namin sa call center na si Kuya Bert (pinost ko dati dito yung mismong convo namin).
Sabi nya wala naman may gustong magwork ng di nila field, na di related sa course, pero habang nagwowork ka isipin mo na di ito panghabang buhay at make the most out of it, bilhin mo ang gusto mong bilhin, puntahan mo ang gusto mong puntahan.
Nung 20s ko, simpleng pep talk lang ang dating sa akin ng mga sinabi nya, parang pangpamotivate lang na pagbutihan ang trabaho. Pero ngayong nasa 30s na ako at may medyo “permanenteng” career, narealise ko na sobrang praktikal at totoo ng sinabi ni Kuya Bert (nasa 30s na rin ata si Kuya Bert ng mga panahong ito. Haha).
Tama sya na kung nasa trabaho ka na hindi mo talaga gusto pero wala ka “munang” choice dahil yun ang nagbabayad ng bills, yun ang bumubuhay sayo at wala ka pang makitang ibang work, appreciate what that job can give you. It can give you a roof over your head and food on your table.
Be thankful.
Be grateful.
That you have a job that you can actually excel kahit na di ito ang dream job mo.
Medyo mahirap lunukin to ng mga nasa 20s at mga idealists pero eto ang reality ng life.
Pagtanda mo pala maiisip mo na ang trabaho ay trabaho. Ang buhay mo ay hiwalay sa trabaho mo. Hindi ikaw ang trabaho mo.
Hindi lang ako nurse.
Ako ay isang anak, kapatid, pinsan, tita, kaibigan.
Mahilig akong magpinta, magletrato at sumubok ng kung anu-anong crafts. Mahilig akong maglakbay sa kung saan saan. Mahilig kumain, mahilig magbake.
Hindi lang ako isang nurse.
Hiwalay ang pagiging nurse ko sa pagiging ako. Hindi ko dapat iuwi ang trabaho sa bahay.
Pero sobrang grateful ako sa trabaho ko.
Dahil sa trabahong ito, may kabuhayan ako. Hindi ako namumulubi at may nagagastos ako para gawin ang mga bagay na gusto ko.
Hindi mo man naachieve sa ngayon yung gusto mong trabaho, mahalin mo kung anong trabahong meron ka.
At kung hindi mo na talaga maachieve ang gusto mong trabaho – gawin mo syang libangan. Dahil baka yung libangan mo, maging kumikitang kabuhayan din balang araw. Tingnan mo mga vloggers (bitter lang. Haha)
Wag kang mafrustrate. Wag ka mawalan ng pag-asa. Mahalin ang trabaho dahil sa ngayon yan ang nagbibigay sayo ng bahay, pagkain at damit.
Ipinapasa ko lang sa mga 20s dyan ang mga words of wisdom ni Kuya Bert. Na til now, tingin ko ay kalevel ni Bob Ong. Haha.
Salamat Kuya Bert dahil hanggang ngayon, dala dala ko ang mga 3 am thoughts mo. At mas naiintindihan ko na sya ngayong matandan na din ako.
Cheers to wisdom. xx